TUNAY NA LINGKOD

Friday, May 22, 2015

ISANG BUKAS NA LIHAM SA MGA NAGSASALITA NG MASAMA LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA PART 1

Kay G. Antonio Ebanghelista at mga kasama


Ginawa ko ang sulat na ito mula sa aking sariling pagsisikap lamang at walang sinumang nag-atas sa akin. Natawagan lamang ako ng pansin na maaaring “makapandaya” sa iba ang inyong mga sinasabi.

Inaangkin mo na ikaw ay isang ministro ng Ebanghelyo na naglilingkod sa Tanggapan Pangkalahatan, subalit ang napansin ko na ang  paghusga mo sa Pamamahala ng Iglesia ay hindi sa PANANAW ng isang ministro. Kapansin-pansin kasi ang kawalan mo ng kabatiran sa tuntuning na nakabakod sa mga ministro ng Ebanghelyo. Nais ko sanang ipabatid sa iyo, sa mga kasamahan mo at sa ibang mga tao, na kung may tuntunin na nakabakod sa buong Iglesia, may tuntunin din na nakabakod sa mga ministro na tinatawag na “ministerial” (ang “code of ethics” ng mga ministro). Ang “ministerial” ay itinuro ni Kapatid na Felix Y. Manalo mula pa noong una (noon pang 1915 nang itatag niya ang unang paaralang ministerial), na itinaguyod na lubos ni Kapatid na Eraño G. Manalo, at patuloy na itinataguyod ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia, ni Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Bakit ko binanggit ito? Sapagkat ang “pangyayari” na dahil dito’y hinuhusgahan ninyo ang Ka Eduardo ay hindi naman usapin lamang ng magkakapatid sa laman, hindi lamang usapin ng magkakapatid sa pananampalataya, kundi usaping “ministerial” sapagkat ang kaniyang “mga kapatid” ay kapuwa mga ministro rin ng Ebanghelyo. Samakatuwid, dapat na unawain at tanawin natin ang mga pangyayari sa “mga magkakapatid” sa pananaw ng mga ministro, na bigyan din natin ng pagsasaalang-alang ang “ministerial.” Sa ikauunawa ninyong lubos na mga nagbabasa ng sulat na ito sa sinasabi ko, pansinin muna ninyo ang sumusunod:

“May isang Tagapangasiwa ng Distrito na sa isang lokal na kaniyang pinangangasiwaan ay naroon ang kaniyang mga kamag-anak. Ang kaniyang dalawang kapatid ay kapuwa kabilang sa mga pamunuan sa kanilang lokal (mga pangulong diakuno), subalit hindi dumadalo ng mga pulong at hindi na tumutupad sa pagsamba. Sa ilang panahon ng pagkausap sa kanila ng mga kapuwa pamunuan at ng distinado ay hindi pa rin sila tumutupad. Dahil dito ay iniulat na sila ng distinado at ng pamunuan ng lokal sa Tagapangasiwa ng Distrito (na kanila pa namang kapatid sa laman). Dalawang bagay ang maaaring mangyari dito:

(1) Sasabihin ng Tagapangasiwa na ‘huwag ninyong disiplinahin o ibaba sa tungkulin ang dalawang ito, kundi hayaan na lang ninyo sila sa gusto nilang gawin.’ Kung magkagayon ay matutuwa at hindi sasama ang loob sa Tagapangasiwa ng kaniyang mga kamag-anak, subalit ang totoo ay hindi ito makatarungan, hindi ito makatuwiran. Maaaring sabihin pa ng iba na “Dahil sa mga kapaid niya sila sa laman ay hindi na didisiplinahin at ibaba sa tungkulin? Kung iba iyan ay tiyak na mababa sila sa tungkulin dahil sa kapabayaan.”

(2) Sasabihin ng Tagapangasiwa na “Disiplinahin ninyo ang mga iyan. Kahit mga kapatid ko sila ay dapat na ipataw natin sa kanila ang isinasaad ng tuntunin.” Kaya, malamang na sasama ang loob ng kaniyang mga kapatid at mga kamag-anak, subalit sa pananaw ng mga kapatid (at maging ng Panginoong Diyos) ay natuwid at makatarungan ang Tagapangasiwang ito, na pantay-pantay ang kaniyang pagpapatupad ng disiplina at tuntunin.”

Ibinaba sa tungkulin ng Tagaangasiwa ng Distrito ang dalawa niyang kapatid. Lumipas ang ilang panahon na hindi lumalapit ang dalawa niyang kapatid at hidi nagbabalik sa karapatan. Ayaw pa nga nilang magsalaysay para sa pagbabalik. Kaya lumapit sa Tagapangasiwa ang kaniyang ina upang hilingin na mabalik ang kaniyang mga kapatid sa karapatan kahit hindi sila lumalapit at nagbabalik. Dalawang bagay din ang maaaring mangyari dito:

(1) Pagbibigyan niya ang kaniyang ina na ibabaik sa karapatan ang kaniyang dalawang kapatid kahit na dumaan sa tamang proseso ng pagbabalik o hindi na isasaalang-alang ang tuntunin. Kung magkagayon ay matutuwa ang kaniyang ina at mga kamag-anak.

(2) Hindi niya pagbibigayn ang kaniyang ina na ipinaliliwanag na kailangang dumaan sa tamang proseso o masunod ang tuntunin. Kung magkagayon ay magdaramdam ang kaniyang ina, lalong magagalit ang kaniyang mga kamag-anak dahil sarili na niyang ina ay hindi niya pinagbigyan. Subalit sa mata ng Diyos ay ito ang narapat at tamang pamamahala sa kaniyang bayan.

Lumipas ang panahon, subalit ayaw pa ring magbalik ng kaniyang mga kapatid o hindi pa rin lumalapit. Nag-utos siya sa mga kasamahan niyang ministro na payuhan ang kaniyang mga kapatid na magbalik, subalit sa halip na magbalik ay umalis ang kaniyang mga kapatid at hindi nagpapakita. Kaya nagtangka muli ang kaniyang ina na siya ay kausapin.  Subalit, alam ng Tagapangasiwa na hindi niya mapagbibigyan ang kaniyang ina, kaya muli lang niya itong makikitang magdaramdam. Bilang anak ay masakit sa kaniya na makita ang ina na lumuluha at nagdaramdam, subalit ano ang kaniyang magagawa sapagkat kailangan niyang tuparin ang kalooban ng Diyos. Dahil masakit sa kaniya na makitang nagdaramdam ang kaniyang ina, kaya mula noon ay iniwasan niya ito, at hinintay na lamang niya ang kaniyang mga kapatid na magbalik sa karapatan. Gumagawa naman siya ng paraan upang sila’y mahikayat na magbalik.

Ang tanong: Ang pag-iwas bang ito ng Tagapangasiwa sa kaniyang ina ay tamang husgahan siya na hindi niya mahal at iginagalang ang kaniyang ina? Ang Tagapangasiwa ba ang may “diperensiya” kaya hindi nababalik ang kaniyang mga kapatid kaya patuloy na nagdaramdam ang kaniyang ina? Siya ba ang dapat na sisihin? Sa isang may matinong kaisipan ay alam niyang tama at matuwid lamang ang ginagawa ng Tagapangasiwang ito.

Balikan natin ngayon ang “minamasama” ninyo sa Namamahala sa Iglesia. Hindi ba’t ikaw na rin ang may sabi na: “Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na natin nakikitang nangangasiwa ng Pagsamba sina Ka Marc at Ka Angel, ito po ay dahil sa sila ay tumigil na sa pagdalo sa klase ng mga Ministro at Manggagawa dahil sa pagkatapos ng maraming taon ay hindi na nila masikmura ang ginagawang panggigipit at paglapastangan sa kanila ng mga Tagapangasiwa at ng mga Ministro na nasa Sanggunian. Ito ay nagingusapin sa hanay ng mga Ministro at Manggagawa dahil sa maramingkumalat na balita na wala na daw karapatan sina Ka Marc at Ka Angel.”

Dito ako nagtataka sa iyo G. Antonio Ebanghelista. Ang sabi mo ay “ministro” ka subalit hindi mo alam ang tuntunin sa mga ministro at manggagawa? Kung ikaw nga ay isang “ministro,” maliit na bagay ba sa isang ministro ang hindi dumalo sa klase at hindi mangasiwa ng pgsamba? Lumalabas na hindi mo alam ang “ministerial”! Kung maliit na bagay lamang ang hindi pagdalo sa klase at ang hindi pangangasiwa ng pagsamba, bakit may mga ministro na ibinubuwis ang kanilang buhay para lamang sa pangangasiwa ng pagsamba? Saksi ang lahat ng mga ministro at manggagawa, ang isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ng isang ministro ay ang pabayaan ang pangangasiwa ng pagsamba!

Kung sa isang pamunuan diakuno, mang-aawit at iba pang maytungkulin, kapag hindi sila tumututupad sa mahabang panahon ay hindi ba’t tiyak na sila’y didisiplinahin?

Lumalabas na baliktad ang inyong kaisipan! Minasama ninyo ang “pagdisiplina” ni Ka Eduardo sa kaniyang mga kapatid sa laman, samantalang hindi ba’t isa ngang kahanga-hanga at nagpapakita ng kagitingan ang ginawa niya na ipinataw niya ang disiplina at tuntunin sa kanila bagamat sila’y kaniyang mga kapatid sa laman?

Alin ba para sa inyo ang “masama” – ang huwag disiplinahin dahil sa kapatid mo sa laman, o ang disiplinahin mo kahit pa kapatid mo sa laman?

Kaya nga lalong humanga kay Kapatid na Eduardo V. Manalo ang lahat ng mga ministro at mga kapatid sa Iglesia nang malaman nila ang kagitingang ito na kaniyang ginawa, na ipinataw niya ang disiplina at tuntunin kahit pa sa kaniyang mga kapatid sa laman. Ang may baliktad lang na kaisipan ang “mamasamain” ito sa halip na hangaan.

Tinatanong ninyo kung bakit hindi nakikipagkomunikasyon ngayon si Ka Eduardo sa kaniyang ina? UNA, mali na sabihin na “limang taon” na niyang hindi kinakausap ang kaniyang ina (noong unang anibesaryo ng pagpanaw ni Ka Erdy ay nakita pang magkasama sila; at noong Pamamahayag noon sa Grandstand nang 2012 ay naroon si Ka Angel na katunayan na “maganda” pa noon ang kanilang samahan, kaya nagsimula lang talaga ang pagputol ng kanilang komunikasyon noong nagkaroon ng “suliranin sa magkakapatid na binabanggit sa unahan, humigit-kumulang ay noong 2013 lamang). IKALAWA, maling-mali rin na dahil dito ay pinaparatangan ninyo si Ka Eduardo na lumalabag sa kautusan ng Diyos.

Dahil sa pagputol ng kanilang komunikasyon ay pinaparatangan ninyo si Ka Eduardo na nilabag ang kaustusan ng Diyos na ang inyong sinasabing utos ay ang “igalang at ibigin ang ama’t ina.” Ito ang isa pang ipinagtataka ko sa iyo G. Antonio Ebanghelista. Inaangkin mo na ikaw ay ministro, subalit hindi mo alam ang “ministerial”? Ito ang “ministerial” na itinataguyod mula pa kay Ka Felix, kay Ka Erdy at hanggang ngayon: “Ang ministro ay sa Diyos na at hindi na sa kaniyang pamilya, sa kaniyang mga magulang, o sa kaninuman.”At kitang-kita rin ang kawalan mo ng kaalaman sa tuntunin ukol sa pagbabalik ng isang ministro sa karapatan!

Ang sabi mo ay ministro ka subalit hindi mo alam na ang isang mnistrong nagbabalik sa tungkulin ay dapat na gumawa ng sulat sa Pamamahala na nangangakong hindi na niya uulitin ang nagawa niyang pagkakamali o kapabayaan. Gaya nga nang naipakita na natin sa unahan, isang malaking kasalanan sa isang ministro ang pagpapabaya tulad ng hindi pagdalo sa klase at hindi pangangasiwa ng pagsamba.

Mula pa sa panahon ni Ka Felix at Ka Erdy, hindi kailanman nangyari na ang wala sa karapatan at hindi naman nagbabalik, subalit ang Pamamahala pa ang nagpatawag at pagkatapos ay ibabalik ng gayon na lamang! Ang sabi mo G. Antonio ay ministro ka, subalit bakit hindi mo alam na ang nagbabalik na ministro at manggagawa ay kailangang magseminar ng isang buwan bago siya ibalik? Nais lamang ng Pamamahala na maging pantay sa pagpapatupad ng tuntunin.

Kahit kaw ay alam mo na hndi sila “nagbabalik” kaya nga binanggit mo sa sulat mo na “Naghihintay lang naman daw ang Ka Eduardo na lumapit sa kaniya ang kaniyang mga kapatid upang magkaayos sila subalit hindi naman daw lumalapit sa kaniyan.”

Ngayon, sa palagay ba ninyo na mga nagpaparatang laban sa Pamamahala na si Ka Felix at si Ka Erdy ay ibabalik nila ang isang ministro sa karapatan nang hindi naman nagbabalik, hindi naman lumalapit, kundi dahil lamang sa pakiusap ng ina o kamag-anak?

May pangyayari sa panahon ni Ka Erdy na may lumapit sa kaniya sa Baik-Bayan Day na isang ina na humihiling na ang anak niya ay ibalik sa karapatan. Ang sagot ng Ka Erdy ay “Papaano ko siya ibabalik kung hindi naman kasi siya nagbabalik?” Huwag ninyong sabihin na hindi iniiwasan ni Ka Erdy ang mga kamag-anak ng mga nagbabalik? Ang kaibahan lang ng kaso nina Ka Mark at Ka Angel ay sila’y kapatid sa laman ni Ka Eduardo, at ang kanilang ina ay nanay din ng Tagapamahalang Pangkalahatan.

Dito ay nahayag na naman ang kabaligtaran ng inyong kaisipan! Para sa inyo ay hindi nagmamahal o gumagalang sa kaniyang ina si Ka Eduardo dahil sa “pag-iwas” sa kaniya. Subalit dito ay dalawang bagay ang nahayag: (1) patuloy na magiting siya na nais niyang matupad ang tuntunin sa kaniyang mga kapatid sa laman kung papaanong ipinatutupad ito sa iba; at (2) mahal na mahal niya at iginagalang niya ang kaniyang ina, kaya iniiwasan na lamang niya, sapagkat alam niyang lalo itong magdaramdam kung muli’t muli ay bibiguin niya ang kaniyang hiling sapagkat hindi naman “lumalapit” ang kaniyang mga kapatid. Kaya, maliwanag na hindi ang Ka Eduardo ang may “diperensiya.” Di ba?

Sa palagay ba ninyo kung lalapit at magbabalik ang kaniyang mga kapatid ay hindi niya tatanggapin? Ito nga lang talaga ang kaniyang hinihintay. Gustong-gustong niyang ibalik ang kaniyang mga kapatid, pero ano ang magagawa niya, kailangan din naman na matupad ang tamang proseso ukol dito, kailangang matupad ang tuntunin, ang ministerial, sapagkat hindi lang siya isang kapatid, hindi lang siya isang anak, isa rin siyang ministro na nagpapatupad ng tuntunin at kalooban ng Diyos!

Papaano ang utos na “ibigin mo ang iyong ama’t ina”? Hindi ito kailanman nilabag ni Ka Eduardo. Subalit, ang sabi ni G. Antonio ay ministro siya ngunit hindi niya alam o sinaalang-alang na may nakahihigit na utos dito? Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus sa Mateo 10:35-37:


“Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay. Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.”

Dahil dito, lalo lamang naming minahal at inunawa si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Sinong anak ang nais niyang mawalay sa kaniyang ina? Sino ang may nais na maging kaaway ang kaniyang mga kamag-anak? Subalit, ito ngayon ang tiniis ng Ka Eduardo, sapagkat kailangan niyang panindiganan ang tuntunin at ministerial, kailangan niyang panindiganan ang kalooban ng Diyos. Napakarami na niyang gampanin at napakabigat ng pananagutang nakapataw sa kaniya, ngayon ay dagdag pa ang pagkalayo sa kaniya ng mga mahal sa buhay dahil kailangan niyang panindiganan ang pantay-pantay na pagpapatupad ng tuntunin kahit pa sa mga kapatid niya sa laman.

Inaangkin nila G. Antonio Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama na nagkaroon daw ng pagbabago sa aral na itinuro ng Sugo sa panahon ni Ka Eduatrdo na anupa’t “humiwalay daw si Ka Eduardo sa espiritu ng Sugo.” Ngunit pansinin ninyo ang pahayag na ito ni Kapatid na Felix Y. Manalo at dito’y makikita ninyo na ganitong-ganito rin ang “espiritu” na nakay Ka Eduardo:

“Inisip-isip ko sa aking sarili. Papaano kaya? Ito’y mga magulang ko. Ito ang nagpalaki sa akin. Naging kaangkapan ito sa pagbuhay sa akin. Pero, alin ang isasa-alang-alang ko? Ang pag-ibig sa aking mga kamag-anakang ito o ang pag-ibig sa Diyos?
“Ang wika ng ating Panginoong Jesucristo, ‘Ang umiibig sa ama, sa ina ng higit sa Akin, sa kaniyang asawa, sa kaniyang anak, nang higit sa akin, hindi karapatdapat sa akin.’
“Sinabi ko, Diyos ko, gusto kong maging karapatdapat sa iyo. At kung ganyan, ipinasiya kong ako’y humiwalay. Iyon ay laban sa loob ko pero hindi iyon ang ‘convicion’ ko. Ang ‘convicion’ ko (ay) humiwalay sapagkat iyan ang sabi (ng Diyos).” (Manalo, Felix Y., “Ang Ikakikilala sa Magsasagawa ng Pagtalikod sa mga Aral na itinuro ng Panginoong Jesucristo at ng mga Apostol,” Recorded Sermon.)

Hindi pala ang Ka Eduardo ang humiwalay sa aral ng Sugo, bagkus ay patuloy na ka-isang espiritu ng Sugo ang kasalukuyang namamahala sa Iglesia. Tupad na tupad ang sinasabi ng Banal Na Kasulatan:

“As for me, this is my covenant with them, saith the LORD; My spirit that is upon thee, and my words which I have put in thy mouth, shall not depart out of thy mouth, nor out of the mouth of thy seed, nor out of the mouth of thy seed's seed, saith the LORD, from henceforth and for ever.” (Isaias 59:21 KJV)

Sa Pilipino:

“Para sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng PANGINOON: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong binhi, o sa bibig man ng binhi ng iyong binhi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.”

Sino kung gayon ang tunay na humiwalay sa espiritu ng Sugo at ng Pamamahala na mula sa Diyos? Pansinin ninyong mabuti ang mga pahayag na ito ni Kapatid na Felix Y. Manalo:

“…Kung hahalungkatin ninyo – Hindi ugali sa akin na ang mali ng isang tao ay ibunyag ko. Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako noon. Hindi ko ugali iyan. Ibinubunyag ko ito (ang maling aral o itiinuro) sa kapakanan ng kaluluwa ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos – ipangaral mo ang Ebanghelyo…Ito ang aking ginagawa. PERO HALUKAYIN KO PA ANG ISANG TAONG NAGKAMALI AT SIYANG AKING IPANGARAL…IYAN AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO, NANG ISANG MABUTING TAO.” (Manalo, Felix Y., “Kung Nasaan Ngayon ang mga Patay,” Recorded Sermon, Amin ang pagbibigay-diin)

Dito ko tatapusin ang aking unang sulat, subalit asahan ninyo na dito ko rin sisimulan ang susunod kong sulat. Sa mga susunod ay ibubunyag ko ang mga patuloy na nagpapatunay na hindi isang ministro si G. Antonio Ebanghelista kundi nagpapanggap lamang upang manggulo. Sa mga susunod pa ay patuloy ko ring ibubunyag ang kanilang mga kamalian at kasinungalingan UPANG HUWAG MAKAPANDAYA.




PAUNAWA

Ang mga “Kumakalaban sa Pamamahala” ay naglathala sa Social Media ng mga malisyoso at mga sensitibong isyu na hindi maikakaila na nakagagambala sa maraming kapatid (at maging sa hindi kapatid) na nakababasa. Kung hindi tayo maglalathala ng SAGOT dito rin sa Social Media, ang mangyayari ay ang “laban” lang ang mababasa ng mga tao (kapatid at hindi kapatid), subalit walang mababasang “sagot” sa mga paninirang ito. Kung magkagayon ay ano sa palagay ninyo ang mangyayari?

KAYA DAPAT LANG NA ILANTAD ANG MGA KAMALIAN AT KASINUNGALINGAN NG KANILANG SINASABI LABAN SA PAMMAHALA NG IGLESIA

Friday, May 15, 2015

Diyos ba si Cristo ayon sa Filipos 2-6-8 dahil sa Anyong Diyos?



Ang dahilan kung bakit inakala ng marami na si Jesus ay Diyos ay dahil sa pagkakasalin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia.


Sa kaalaman ng LAHAT, Ito ay isang SALIN ng Biblia sa Filipino na pinagtulungang gawin ng mga iskolar na PROTESTANTE at KATOLIKO. Paano nila isinalin ang talatang Filipos 2:6-8? Isinalin nila ito batay na rin sa kanilang paniniwala na si Jesus ay Diyos at iniba ang nakasulat. Ganito ang laman ng talata sa MBB



“ Na kahit Siya'y tunay at likas na DIYOS, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.” Filip. 2:6-8, MBB

Isinalin nila ang mga talatang ito sa paraang lilitaw na si Jesus ay Diyos. Kung hindi ka magsusuri ay talagang madadaya tayo, Inalis na nila ang salitang “
NASA ANYO” . Anong maling turo ang ibinunga ng salin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia? Lumilitaw dito na dalawa ng Diyos: isang Diyos (Jesus) na hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, at isang Diyos na hindi pinagpilitang pantayan. Sinasalungat nito ang itinuro ni Jesus at ni Apostol Pablo na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos (Juan17:1, 3; I Cor.8:6).

Ikalawa, kung si Cristo rin ang Diyos, paano mauunawaan ang kasunod na talata sa Fil.2:9?


Sa talatang 9 ay nakasulat na si Jesus ay itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Malinaw na iba ang itinampok at binigyan sa nagtampok at nagbigay. Kaya iba si Cristo sa Diyos.


Kung gayon, ano ang tunay na nakasulat kung susuriin natin ang Greek ? Pansinin natin ang isang salin :



ΦΙΛΙΠΠΗΣΙΟΥΣ 2:6  ος εν μορφη θεου υπαρχων ουχ αρπαγμον ηγησατο το ειναι ισα θεω[Textus Receptus]

Kung babasahin po ay :


" os en MORFI THEOU yparchon ouch arpagmon igisato to einai isa theo. "


Pansinin po ninyo ang " μορφη θεου " na kung babasahin yan ay "morfi theo". Ang " Morfi" po ay FORM o anyo, at malinaw na ito ang kanilang binawas sa Biblia upang madaya ang tao. Nakakalungkot sapagkat marami na ang kanilang nadaya dito. Ano ang katumbas na salin? Narito ang isang salin na ANG BIBLIA :



Filipos 2:6  Na siya, bagama't NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, [Ang Biblia]


Natitiyak natin na ang sinumang tagapangaral na gumagamit sa Filipos 2:6-8 bilang batayan sa pagtuturo na si Jesus ang tunay na Diyos ay nagkakamali ng pagkaunawa.


Ayon sa mga naniniwalang si Cristo ay Diyos, ang Filipos 2:6-8 daw ay nagpapatunay na si Jesus ay Diyos. Kahit raw sinabing “nasa anyong Diyos.”  ay patotoo parin daw na Dios sapagkat si Jesus ay “nasa anyong Diyos,” Siya raw ay Diyos. Ating suriin, dahil ba sa sinabi sa Filipos 2:6-8 na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”. Dios na?


Balikan natin ulit ang Talata na hindi yung ginamit sa pandaraya :



“ Na siya, bagama't nasa anyong Dios , ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, “Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: “At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” [Ang Biblia]



Si Apostol Pablo mismo ang sumulat na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” kaya hayaan nating siya rin ang magpaliwanag nito. Bakit niya sinabi na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”? Sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” sapagkat Siya ay larawan ng Diyos:



“…upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” 
II Cor. 4:4 

"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita,  ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " col. 1:15


Ngunit paano naging larawan ng Diyos ang ating Panginoong Jesucristo? Larawan ba Siya ng Diyos sa kalikasan? Hindi, sapagkat ang Diyos ay espiritu samantalang si Cristo ay may laman at buto (
Luk. 24:39 ).


Si Cristo ay larawan ng Diyos sa kaabanalan. Narito ang katunayan:


“Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios:magpakabanal nga  kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal…” [Lev.11:44]

Kung paanong ang Diyos ay banal, ganoon din si Cristo.


“Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis…”
[Heb. 7:26]

Ang dahilan nito ay sapagkat si Cristo ay pinabanal ng Diyos:


“Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan…”[
Juan10:36]


Bagaman ang lahat ng tao ay nilikha ng Dios ayun sa larawan Niya [ 
Genesis 1:27], sa KABANALAN parin [Efeso 1:4], ay walang nakatugon sapagkat lahat ay nagkasala :

Roma 5:12, MB".....lumaganap ang kamatayan sa lahat
ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "

Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala
nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Dios; "

Dahil dito, napakalaki ng suliranin ng tao. Nawala siya sa pagiging KALARAWAN NG DIOS at nagkaroon na ng kamatayan, hindi lamang sa pagkalagot ng hininga, kundi ang IKALAWANG KAMATAYAN na kaparusahang walang hanggan sa dagat- dagatang apoy (
Apoc.20:14 )

MULING MAGING KALARAWAN
Upang maligtas sa parusa ay kailangang makabalik ang tao sa uring kalarawan ng Dios. Paano mangyayari ito? Dapat siyang maging katulad ng LARAWAN NG ANAK NG DIOS:

Roma 8:29 " Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid "


 Ito ay sapagkat si Jesuscristo nga ang larawan ng Dios.Colosas 1:15 " Na siya ang larawan ng Dios na di
nakikita, ang panganay ng lahat ng mga
nilalang "


Ayon sa Biblia, si Cristo lamang ang taong hindi nagkasala [
 Juan 8:40; 1 ped. 2:21-22 ]. Kaya Siya lamang ang nakatupad ng layunin ng Dios na ang tao ay maging kauri Niya (Dios) sa pag-ibig at kabanalan. Ang mga taong larawan ni Cristo, kung gayon, ang kalarawan ng Dios.

Ang Diyos at si Cristo ay kapuwa banal. Kung gayon, sa kabanalan “larawan ng Diyos” si Cristo, kaya sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos.” suriin naman natin ang binanggit din ni Apostol Pablo sa Filipos 2:6-8 na “di niya inaring pagkapantay niya sa Diyos.”    ganito po ang dahilan :


“Sinabi ni Yahweh, ‘Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makapapantay sa akin?”
“Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba.” [Isa. 46:5, 9, MBB]

Maaari bang may kapantay ang nag-iisa?   Kung may kapantay ang Diyos sa pagiging Diyos, lilitaw na hindi na Siya ang iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sasalungat na ito sa itinuturo ng

Biblia.

Suriin naman po natin bakit hinubad niya ito? ano ang HINUBAD niya?

Roma 8:3-4
" Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan,  na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak  na NAGANYO LAMANG SALARIN at dahil sa kasalanan,  ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan"
" Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad  sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman,  kundi ayon sa Espiritu "

Ang sabi ng talata, sya ay nag anyong salarin, samakatuwid ang KABANALAN parin ang hinubad ni Cristo at nag anyong alipin o salarin. Bakit naman po siya nag anyung SALARIN? Ganito po ang ating mababasa


2 cor 5:21 " Yaong hindi nakakilala ng kasalanan  ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios."


Siyay ibinilang na makasalanan upang makipagkaisa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng DIOS sa pamamagitan niya. Banal pa ba si Cristo dahil hinubad na niya ito? baka po matanung ng ilan. ganito po ang kasagutan :


Roma 10:36  "  Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? "

Banal parin po sapagkat siya nga ay pinabanal ng AMA na siyang nagsugo sa kanya.kaya maliwanag po na hindi mapanghahawakan ang talatang ito sa pagtuturong si Cristo ay Diyos. Maling pagkaunawa po sa talata.

Wednesday, April 29, 2015

Ang Pinag uukulan ng handog sa Iglesia ni Cristo



Ang isa sa mga tungkulin ng isang kaanib ng Iglesia ni Cristo ay ang pag-aabuloy at paghahandog. Ito ay isinasagawa sa mga pagsambang pagtitipon ng Iglesia ni Cristo. Sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay may isinasagawang pag-aabuloy ang mga kapatid, tangi sa awit, aral, at panalangin. Naiibigan ng lahat halos ang awit, aral, at panalangin sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.  Nguni’t alin ang hindi naiibigan ng marami, na kadalasan ay pinipintasan at inuusig ng iba?  Ito ang tungkol sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo. Dapat na maunawaan na ang pag-aabuloy na tinutupad sa Iglesia ay hindi marapat itulad sa pagbibigay ng limos. Kung mayroon mang naririnig sa ginagawang pag-aabuloy ng Iglesia ni Cristo, aalalahinin nat ito ay paninira lamang dahil ang pag-aabuloy na tinutupad ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay hindi kagustuhan lamang ng mga ministro sa Iglesia kundi nakasalig ito sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia.
Bakit marami ang umaayaw at natitisod sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  Ipinalalagay nila na ito’y hindi utos ng Diyos, kundi utos lamang ng mga ministro sa Iglesia ni Cristo.  Mayroon ding nag-aakala na ang sinasabing pag-aabuloy ay sapilitan lamang at isang paraan ng panlilinlang.  Ang iba’t-ibang iglesia ay may mga abuluyang ginagawa, subalit ang pag-aabuloy na ginaganap sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ang higit sa lahat ay kinukutya at inuusig ng marami.  Dahil dito, kailangang maunawaan ng lahat ang katotohanan at kahalagahan ng ginagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo, ayon sa pagpapakilala ng Banal na Kasulatan.

UTOS BA NG DIYOS ANG ISINASAGAWANG PAG-AABULOY SA MGA PAGSAMBA SA IGLESIA NI CRISTO?

Ang pag-aabuloy ay hindi aral o turo lamang ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo, ito ay utos ng Diyos sa kaniyang mga lingkod:
Hebreo 13:15-16 "Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod."
Ang gawang pag-aabuloy ay hindi utos lamang ng mga ministro sa Iglesia kundi ito ay utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Ito'y hindi dapat na kalimutan sapagkat isa ito sa mga haing kalugudlugod sa Kaniya. Kung paanong iniutos na handugan natin ang Diyos ng mga hain ng pagpupuri na bunga ng ating mga labi katulad ng pag-awit at pananalangin, iniutos din na huwag kalimutan ang pag-aabuloy. 

MAY ITINAKDA BANG HALAGA AT SAPILITAN BA ANG PAGBIBIGAY NG ABULOY

Gaano ang halagang dapat ipagkaloob sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  Ang mga ministro ba ng Iglesia ni Cristo ang nagtatakda ng halagang dapat ipagkaloob ng mga kapatid?  HINDI.  Sino ang dapat magtakda ng halagang kanilang ipagkakaloob at gaano ang kanilang dapat itakda?  Sa 2 Corinto 9:7, ay itinuturo ang ganito:

2 Corinto 9:7 "Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya."

Ang nagtakda ng dapat na iabuloy ay ang mismong magbibigay ng abuloy, hindi ang mga ministro at ang tagapamahala ng Iglesia ni Cristo. At ang pagtatakda at pagbibigay ay ayon sa kaniyang puso at hindi mabigat sa loob at nakatutugon naman sa pag-uukulan na kailangan ng Iglesia. Ang nag-aabuloy ang dapat magpasiya mula sa kaniyang puso ng abuloy na kaniyang ipagkakaloob sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya. Samakatuwid, ang pa-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay hindi sapilitan.  Ito’y hindi sapilitan kundi ito'y kusang-loob ng mga sumasampalataya at ganap na nakakakilala ng kahalagahan ng pag-aabuloy sa Iglesia ni Cristo.

2 Corinto 9:5 "Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan."
Gaya ng ipinamamanhik ni Apostol Pablo ay inihahanda ng mga kapatid ang kanilang abuloy.
Paano nila inihahanda?

1 Corinto 16:2 "Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko."

Ibinubukod na isinisimpan ng mga kapatid ang kanilang abuloy na itinakda nila na pasiya ng kanilang puso ayon sa kanilang iginiginhawa tuwing unang araw ng sanlinggo.  Kaya hindi sapilitan ang kanilang pag-aabuloy.  Hindi sila pinipilit ni napipilitang mag-abuloy, kundi kusang-loob na ginagawa nila ang pag-aabuloy na kinikilalang kanilang tungkulin at pananagutan sa Diyos. Talagang pinaghahandaan ng mga sumasampalataya ang pag-aabuloy ng Iglesia ni Cristo. Hindi maghihirap ang nagkakaloob ng saganang abuloy, Sapagka’t may pangakong biyaya ang Diyos na matatamo ng mga tumatalaga at hindi nagpapabaya sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.

Ano ang Biyayang Matatamo na Ipinangangako ng Diyos sa mga Tumatalaga sa Pag-aabuloy na isinasagawa sa Pagsamba ng Iglesia ni Cristo? Sa 2 Corinto 9:8-10, ay ganito ang sinasabi:

2 Corinto 9:8-10 "At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:
Gaya ng nasusulat, Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:"


Ang biyayang matatamo na ipinangangako ng Diyos sa mga tumatalaga sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay maaaring gawin ng Diyos sa kanila na sila’y pasaganain sa lahat ng mga biyaya.  Maaaring pagpalain ng Diyos ang kanilang kabuhayan at hanapbuhay.  Sila’y sasagana rin sa lahat ng gawang mabuti.  Ang mga nagsasabog ng aral o ang mga nangangaral ng mga salita ng Diyos at ang mga nagbibigay o tumutustos sa gawain sa pamamagitan ng pag-aabuloy ay mananatili ang kanilang kabanalan magpakailanman.  Hindi lamang mananatili ang kanilang kabanalan, kundi magdaragdag ito ng bunga ng kanilang kabanalan sa kanilang paglilingkod sa Diyos.

Natutupad ang pangakong ito ng Diyos sa mga kapatid na sadyang tumatalaga sa pagbubukod at pagsisimpan ng kanilang abuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.  Pinupuspos sila ng biyaya ng Diyos sa kanilang pamumuhay at paghahanapbuhay.  Ang kanilang masiglang paglilingkod ay sumasagana sa mga bunga ng kabanalan.  Hindi sila nanghihina sa kanilang pananampalataya.  Hindi sila natitisod, kundi namamalagi sa pagtupad ng mga salita ng Diyos at pagtatapat sa kanilang tungkulin sa Iglesia.
Sino naman ang kusang pinagkakaitan ng mga biyaya at pagpapala ng Diyos?  Sino ang mga matitisurin, mga di kakitaan ng bunga ng kabanalan at mga gawang mabuti, mga nanlulupaypay sa paglilingkod, hindi makapanatili sa pagtupad ng kanilang tungkulin at kadalasan ay mga nahihiwalay sa pananampalataya?  Ang mga kapatid na ayaw magtalaga sa pag-aabuloy.  Ang mga natitisod at hindi sumasampalataya sa kahalagahan ng pag-aabuloy na utos ng Diyos sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.

Bakit binibiyaya at pinagpapala ang mga tumatalagang lubos sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  Ito ba ang sukatan ng Diyos sa pagkakaloob Niya ng Kanyang mga biyaya? Sa 2 Corinto 9:6, ay tinitiyak ang ganito:

2 Corinto 9:6 "Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana."

Ano ang sukatan ng Diyos sa pagkakaloob Niya ng Kanyang mga biyaya?  Ang naghahasik ng bahagya na ay mag-aani namang bahagya na at ang naghahasik na sagana ay mag-aani namang sagana.  Datapuwa’t masama ba naman na mag-abuloy ng malaki sa layong tumanggap naman ng malaking biyaya sa Diyos?  Hindi masama ang mag-abuloy ng malaki, kundi ang masama’y ang masakim na layunin na kaya lamang magkakaloob ng sagana ay sa hangad na biyayain naman ng sagana.  Ano ang tawag sa ganitong uring paghahasik o pagkakaloob ng abuloy?  Sa Galacia 6:7-8, ay ganito ang sinasabi:

Galacia 6:7-8 "Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro:sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan."

Ang pagkakaloob ng saganang abuloy sa layuning tumanggap naman ng masaganang biyaya ay hindi pag-abuloy na ayon sa Espiritu o ayon sa kalooban ng Diyos.  Ang ganitong uri ng pag-aabuloy ay tinatawag na pag-aabuloy na ayon sa laman.  Anu-ano pa ang pag-aabuloy na ayon sa laman?  Ang pag-aabuloy ng malaki upang mapuri ng iba, ang nag-aabuloy dahil sa nahihiya kung hindi siya magkaloob, ang nagbibigay naman alang-alang sa pagbibigay lamang sa kaninuman, at iba’t iba pang katulad nito, ay mga pag-aabuloy na ayon sa laman.  Ang ganitong uri ng pag-aabuloy ay hindi magtatamo ng buhay na walang hanggan, kundi mag-aani ng kasiraan sa laman.  Sino ang naghandog ng abuloy na hindi ayon sa kalooban ng Diyos at nag-ani ng kasiraan sa laman o nangapahamak? Ang mag-asawang Ananias at Safira.  Nang panahon ng mga Apostol na maliit pa ang Iglesia ni Cristo, nagkaisang puso ang mga sumasampalataya na ipagbili ang lahat ng kanilang mga tinatangkilik na pag-aari, maging lupa o bahay man, upang tustusan ang pangangailangan ng Iglesia sa gawaing pagpapalaganap nito sa madaling panahon.  Ang lahat ng halagang kanilang napagbilhan ay dapat ibigay na lahat sa mga Apostol upang pangasiwaan.  Ano ang ginawa ng mag-asawang Anaias at Safira?  Nagbili sila ng kanilang tinatangkilik, subalit isang bahagi lamang ang kanilang ibinigay sa mga Apostol at kinuha nila ang isang bahagi para sa kanilang sarili.  Nag-abuloy sila ng ayon sa laman, sapagka’t sila’y hindi lubos na nakipagkaisa at pinag-alinlanganan ang katapatan ng mga Apostol.  Ano ang nangyari sa kanila?  Sila’y napahamak at nangamatay noon din (Gawa 4:32-37 at Gawa 5:1-10).  Dahil dito, dapat isagawa ang pag-aabuloy ayon sa kalooban ng Diyos.  Bakit pananagutang hindi maiiwasan ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang pag-aabuloy?    Sa Galacia 6:6, ay sinasabi ang ganito:

Galacia 6:6 "Datapuwa't ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti."

Bakit pananagutang hindi maiiwasan ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang pag-aabuloy?  Sapagka’t ang mga tinuruan sa mga aral ng Diyos ay makiramay doon sa nagtuturo sa kanila ng lahat ng mga bagay na mabuti.  Paano nila daramayan?  Sa pamamagitan ng kanilang isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba.  Bakit ang pagdamay sa nagtuturo ng aral ng Diyos ay sa pamamagitan ng pag-aabuloy sa pagsamba?  Sapagka’t iyon ay hindi pagdamay sa sariling kapakanan ng nagtuturo, kundi sa pagtulong sa kapakanan ng gawain ng Diyos na pinag-uukulan ng abuloy.  Ang Diyos ay totoong nalulugod sa pag-aabuloy, hindi sapagka’t kailangan ng Diyos sa Kanyang sarili ang abuloy.  Hindi nangangailangan ng anumang tulong ang Diyos, sapagka’t mayroon Siya ng lahat ng mga bagay at ang lahat ng mga bagay ay Kanya.  Ngunit bakit ang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay totoong nakalulugod sa Diyos?  Sapagka’t ito ang ginagamit na kasangkapan upang matustusan ang banal na gawain ng Diyos sa lupa na pinag-uukulan ng abuloy sa Iglesia ni Cristo.

ANG PINAG-UUKULAN NG PAG-AABULOY SA PAGSAMBA NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO

Anu-ano ba ang mga pinaguukulan ng Iglesia ni Cristo sa mga nalilikom mula sa mga abuloy ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo?

2 Corinto 9:12-13 "Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;
Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;"

Ang Iglesia ni Cristo ay may pangangasiwa. Pinangangasiwaan ang paglilingkod at tinatakpan ang lahat ng pangangailangan ng mga banal at ng Iglesia sa pamamagitan ng wastong paggamit ng abuloy ng mga kapatid. Ginugugulan ng pangangasiwa ang walang likat na pagpapalaganap ng pangangaral ng Ebanghelyo sa lahat ng dako.  Ano ang nagiging bunga ng walang tigil na pagpapakilala ng Ebanghelyo ni Cristo? Dumarami ang mga taong nakakakilala ng wastong pagsamba at pagpapasalamat sa Diyos.  Kaya sa kasalukuyan, ang Iglesia ni Cristo ay lumalaganap at patuloy sa mabilis na paglago. Ano pa ang mga bagay na pinaguukulan ng Iglesia sa mga nalilikom na kaloob na abuloy ng mga kapatid sa Iglesia?

Hagai 1:8 "Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, atmangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon"

Ito ay nagagamit sa pagpapatayo ng mga bahay sambahan o mga gusaling sambahan:

1 Chronica 21:22MB "Sinabi ni David, “Bibilhin ko ang lupang ito para pagtayuan ng dambana ni Yahweh para matigil ang salot na namiminsala sa bayan.”
“Kunin na lang ninyo at huwag na pong bayaran,” tugon ni Ornan. “Kayo na ang bahala kung anong gusto ninyong gawin. Narito na po ang mga torong panghandog. Ang kahoy na panggiik na ito ang gawin ninyong panggatong. Pati ang butil na panghandog ay narito na rin. Lahat pong ito’y sa inyo na."


Ito din ay nagagamit upang ibili ng lupa na pagtatayuan ng mga gusaling sambahan, upang magkaroon ang mga kapatid sa malalayong mga lupain ng malapit na dako ng kanilang pagsasambahan. Tandaan ang pagbibigay ng mga kapatid ng kanilang mga abuloy ay hindi sapilitan, kundi may kagalakan ang kanilang pagbibigay, may kusa mula sa kanilang puso:

1 Chronica 29:9 "Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagka't sila'y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak"

Saan pa ba ginugugol ng Iglesia ni Cristo ang mga abuloy na nalilikom na ibinibigay ng mga kaanib sa Iglesia?:

2 Chronica 24:12-13MB "Ang natitipon nilang salapi ay ipinagtitiwala naman ng hari at ni Joiada sa namamahala ng pagpapagawa ng bahay ni Yahweh. Kumuha sila ng upahang mga kantero, karpintero at mga panday-bakal at tanso na magkukumpuni ng mga kasiraan doon.Hindi nilubayan ng mga manggagawa ang kanilang gawain, anupat mabilis nilang naisauli sa dati ang bahay ni Yahweh.

Ang mga nalilikom na mga binibigay na abuloy ng mga kaanib ng Iglesia ay ginagamit sa pagsasa-ayos at pagkukumpuni ng bahay ng Diyos o mga gusaling sambahan. Ginagamit din bilang pambayad sa mga inuupahang mga manggagawa na magkukumpuni ng mga sirang bahagi ng gusaling sambahan. Saan naman napupunta ang mga natitirang mga salapi?

1 Chronica 24:14MB "At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada."
Ang mga natitira o mga lalabis na mga salapi ay ibinibili ng mga kagamitan para sa gusaling sambahan. Ginugugol ng Iglesia ni Cristo ang mga nalilikom sa pagsasa-ayos ng mga gusaling sambahan mga maintenance at repair, upang magkaroon ng kaayusan at kagandahan ang mga gusaling sambahan. Bakit pa kailangang ayusin pa ang mga gusaling sambahan?:
2 Chronica 7:16,15 "Hinirang ko at itinalaga ang bahay na ito upang mamalagi rito ang aking pangalan. Pangangalagaan ko at pakamamahalin ang pook na ito magpakailanman.Diringgin ko nga ang mga dalanging gagawin dito ngayon at magpakailanman."

Sapagkat sa mga gusaling sambahan namamalagi ang pangalan ng Diyos. Pinangangalagaan Niya ang mga ito, at dito Niya diringgin ang mga dalanging isasagawa sa kaniyang bahay o sa mga gusaling sambahan. Kaya dapat lang na laging mayroong kaayusan at kagandahan ang mga gusaling sambahan. Kung paanong pangangalagaan ng Diyos ang mga gusaling sambahan, dapat din na ating pangalagaan ang kaniyang tahanan. Napakahalaga ng mga nalilikom mula sa abuloy ng mga kaanib na nagagamit sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos, pagpapatayo at pagsasaayos ng mga gusaling sambahan. Kahit sa kabila ng mga kahirapang nararanasan ng mga kaanib ay patuloy pa rin sila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Bakit ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay patuloy na nakakapagtalaga sa kabila ng mga kahirapan?

2 Corinto 8:1-3,5 MB"Ibig kong ibalita sa inyo, mga kapatid, ang nagawa ng pag-ibig ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia.
Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito’y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. At sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukas ang palad sa pagbibigay.

Sila’y kusang-loob na nag-abuloy hindi lamang ayon sa kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito pagkat
At higit pa sa inaasahan ko; inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos, sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos."

Ito ang dahilan kung bakit patuloy na nagtatalaga ang mga kaanib sa kanilang pagbibigay sapagkat ang pagkakaloob nila ay inilalaan nila sa Panginoon. Kusang-loob silang nag-aabuloy na masayang-masaya sapagkat kanilang nauunawaan ang utos na ito ng Panginoong Diyos. Ano ba ang nauunawaan ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo tungkol sa pag-aabuloy?

1 Chronica 29:11-12,14,16 MB "Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan. Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan, at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.
“Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob pagkat ang lahat ng ito ay galing sa iyo at ibinabalik lamang namin.
O Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na natipon namin para ipagpagawa ng iyong tahanan ay sa iyo nga nagbuhat."

Ang mga salapi at mga biyayang natatanggap ng mga kaanib ay ibinabalik lamang nila sa Diyos sapagkat nalalaman nila na lahat ng biyayang kanilang natatanggap ay mula sa Diyos. Ano ang lalong dakilang kapalaran na tatamuhin ng mga nagtatalaga sa pag-aabuloy at paghahandog?

1 Timoteo 6:18-19 "Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi; Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay."


Kaya sampalatayanan natin na pananagutan nating mga Iglesia ni Cristo ang pagbibigay ng abuloy at handog. Dapat natin itong gawing buong puso, kusang loobm at masaya ang kalooban. Ngunit upang magawa natin ang kusang loob at masaya ang kalooban. Ngunit upang magawa natin ang kusang loob at masayang paghahandog, dapat natin itong ibu- kod at isimpan. Hindi tayo dapat matisod sa pagsasagawa nito dahil ang Diyos ang may utos nito. Bukod dito, ang hala- gang ibinibigay natin ay nanggaling din sa Kaniya. Higit sa lahat, kung nag-aabuloy tayo ay natitipon tayo ng saligan pa- ra sa pagkakamit ng tunay na buhay, na siyang buhay na walang hanggan

Monday, April 27, 2015

ANG PAGKAKAIBA NG NASA LOOB AT NG NASA LABAS NG IGLESIA




PINANINIWALAAN NG MARAMI na ang lahat ng relihiyon ay magkakapareho lamang sa harap ng Diyos. Kaya ang iba ay hindi maselan sa pagpili ng relihiyong inaaaniban. Kung alin ang babagay sa kanilang kursunada at paraan ng pamumuhay ay doon sila umaanib.

Sang-ayon kaya sa pagtuturo ng Biblia ang paniniwalang ang lahat ng relihiyon ay magkakatulad lamang sa harap ng Diyos? Ganito kaya ang itinuro ni Cristo at ng Kaniyang mga apostol? Ayon sa pagtuturo ng Biblia, ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:

"Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus." (Roma 8:1)
Pansinin na hindi sinabi ni Apostol Pablo na ang lahat ng tao o kahit sino na lamang ay wala nang hatol. Ang tinitiyak ng Biblia na wala nang hatol o hindi na parurusahan ay ang mga na kay Cristo.

Mahalaga, kung gayon, na malaman ng tao kung sino ang tinutukoy ni Apostol Pablo na mga na kay Cristo at dito siya dapat mapabilang upang hindi makasama sa mga parurusahan.

ANG MGA WALA NANG HATOL

Sino ang mga taong na kay Cristo at hindi na hahatulan? Ganito ang mababasa sa Biblia:

"Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa." (Roma 12:5)
Ang mga taong kay Cristo ay itinulad sa mga sangkap na sama-sama sa iisang katawan. Ang tinutukoy na katawang kay Cristo ay ang Iglesia Niya:

"At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia." (Col. 1:18)

Ang Iglesiang ito na katawan ni Cristo ang tinatawag ng Biblia na Iglesia ni Cristo (Roma 16:16). Kaya, nakatitiyak ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na maliligtas sila sa hatol o parusa.

Batay sa mga katotohanang ito, maituturing kaya na magkapareho lamang o walang pagkakaiba ang kaanib sa tunay na Iglesia at ang hindi kaanib? Hindi rin kaya hahatulan o parurusahan ang nasa labas nito? Ganito ang nakasulat sa Biblia:

"Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao."  (I Cor. 5:13)
Tinitiyak ng Biblia na ang mga nasa labas ay hahatulan o parurusahan ng Diyos. Kaya isang malaking kamalian ang paniniwalang magkakapareho lamang na sa Diyos ang lahat ng relihiyon at walang pagkakaiba ang kaanib at hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo.

ANG MGA TAGAPAGMANA NG PANGAKO

Pinatutunayan ng Biblia na ang mga kay Cristo ang kinikilalang binhi ni Abraham at mga tagapagmana ng pangako ng Diyos:

"At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako." (Gal. 3:29)
Pansining muli na hindi sinasabi sa Biblia na ang lahat ng tao ay mga tagapagmana ng mga pangako. Sa halip, ang mga kay Cristo ang magmamana ng mga pangako. Ano ang pangako na mamanahin ng mga kay Cristo?

"At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan." (I Juan 2:25)
"Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran." (II Ped. 3:13)
Pinangakuan ang mga kay Cristo ng buhay na walang hanggan. Ang mga kay Cristo rin ang maninirahan sa bagong langit at bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran. Kaya, hindi ang lupang ito na ating kasalukuyang tinatahanan ang inaasahan ng mga kay Cristo. Itinuturing nila na sa lupang ito ay manlalakbay lamang sila (Heb. 11:13) at ang tunay nilang bayan ay nasa langit (Filip. 3:20).

Tunay na mapalad ang mga kay Cristo o ang mga sangkap ng Kaniyang katawan o Iglesia.

Pareho lamang ba ang kapalaran ng kaanib at hindi kaanib sa Iglesia? Ang mga hiwalay kay Cristo o hindi sangkap ng Kaniyang katawan o hindi kaanib sa Iglesia ay magmamana rin kaya ng mga pangako ng Diyos? Ganito ang nakasulat sa Biblia:

"Hiwalay kayo noon kay Cristo at hindi kabilang sa Israel. Wala kayong bahagi sa tipan at pangako ng Dios sa kanila. Wala kayong Dios o pag-asa sa kaligtasan." (Efe 2:12, Salita ng Buhay)
Ang hiwalay kay Cristo ay hindi kabilang sa Israel kung kaya hindi ibinibilang na binhi ni Abraham. Bukod dito, ang hiwalay kay Cristo o wala sa Iglesia ni Cristo ay walang bahagi sa tipan at mga pangako. Wala silang karapatang maglingkod sa Diyos at wala silang pag-asa sa kaligtasan. Kaya hindi totoo na magkapareho lamang at walang pagkakaiba ang kaanib sa Iglesia ni Cristo at ang hindi kaanib. Malaki ang pagkakaiba ng mga taong nasa loob ng Iglesia at ng mga nasa labas.

MAGKAIBA SA PAGKABUHAY NA MULI

Sa muling pagparito ng Panginoong Jesucristo, kapag binuhay nang muli ang mga namatay, pareho lamang ba't walang pagkakaiba ang kaanib at di kaanib ng Iglesia ni Cristo? Ang sabi sa Biblia:

"Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man." (I Tes. 4:16-17)
Ang mga namatay kay Cristo, ayon sa mga apostol, ang unang mabubuhay na muli, at ang mga daratnang buhay ay aagawing kasama nila upang sumalubong sa Panginoon at sila'y sasa Kaniya magpakailan man. Kasama ba sa unang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay ang mga hindi kaanib sa Iglesia? Ganito ang nakasulat sa Biblia:

 "Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli."(Apoc. 20:5)

Maging sa pagkabuhay na mag-uli ay malaki ang pagkakaiba ng kaanib sa Iglesia at ng hindi kaanib. Ang mga kay Cristo ang unang mabubuhay na mag-uli samantalang ang hindi kay Cristo ay hindi mangabubuhay hanggang sa maganap ang isang libong taon. Pareho lang kaya na magiging mapalad ang kasama sa unang pagkabuhay na muli at ang bubuhayin makalipas ang isang libong taon? Ganito ang sagot ng Biblia:

"Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon." (Apoc 20:6)
Ang mapalad ay yaong makakalakip sa unang pagkabuhay na mag-uli sapagkat wala nang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan o ang kaparusan sa dagat-dagatang apoy (Apoc. 20:14). Ito ay kaayon ng pangako ni Cristo sa Kaniyang Iglesia na ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi mananaig dito (Mateo 16:18).

Sa kabilang dako, magiging mapalad din kaya ang mga hindi kaanib sa Iglesia o ang mga bubuhayin makaraan ang isang libong taon? Ganito ang matutunghayan sa Biblia:

"At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan. At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok." (Apoc. 20:7-9)
Ang hindi kasama sa unang pagkabuhay na mag-uli, na ito nga ay ang mga hindi kaanib sa Iglesia, ay sawimpalad sapagkat nakasulat sa Biblia na bagaman sila ay bubuhayin, ang apoy ay bababa mula sa langit upang sila ay supukin.


Mga mahal naming mambabasa, huwag natin itong ipagwalang-bahala. Alisin natin sa ating isipan ang maling paniniwala na ang lahat ng relihiyon ay magkakapareho lamang sa harap ng Diyos. Pawiin natin sa ating isipan ang paniniwala na walang pagkakaiba ang nasa loob at ang nasa labas ng tunay na Iglesiang kay Cristo. Gaya ng ating tinalakay, napakalaki ng pagkakaiba ng mga kay Cristo o kaanib sa kaniyang Iglesia kaysa hindi kaanib o hindi kay Cristo. Ang maging kay Cristo ay katumbas ng pagiging ligtas sa hatol sa Araw ng Paghuhukom. Ang pagiging kay Cristo ay katumbas ng pagmamana ng mga pangako ng Diyos. Ang maging kay Cristo ay katumbas ng unang pagkabuhay na muli at paghaharing kasama ni Cristo sa Kaniyang pagparito.