TUNAY NA LINGKOD

Sunday, September 8, 2013

Kalingain natin ang ating Sambahayan



Isa sa mga suliraning kinakaharap ngayon ng ating lipunan ay ang pagdami ng mga wasak na sambahayan- mga sambahayang napabayaan ng mga magulang. Kaugnay nito ay dumarami rin ang mga batang hindi nakapag-aaral at nagpapalabuy-laboy lamang sa mga lansangan, na ang bilang nila ayon sa pag susuri ng Department of Social Welfare and Development sa taong 1998 ay umaabot na sa isa’t kalahating milyon (Malaya 1998), at ito ay tumataas pa hanggang sa kasalukuyan. Marami ring kabataan ang nasasadlak sa prostitusyon, nalululong sa mga ipinag babawal na gamot, at nasasangkot sa mga krimen at karahasan.

Ang pagpapabaya sa sariling sambahayan ay malaking kasalanan sa Diyos. Katumbas ito ng pagtalikod sa pananampalataya at ang mga pabaya sa kanilang sambahayan ay masahol pa sa di sumasampalataya:

“Sinumang hindi kumakaliga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa hindi mananampalataya.” ( I Tim. 5:8, New Pilipino Version)


Upang huwag mauwi sa kapabayaan ang mga magulang at ang mga nagiging magulang, may mga bagay na dapat iwasan o talikdan. Narito ang ilan:

1.     Pag-aasawa ng hindi nakahanda

Kapag ang mag-aasawa ay hindi pa nakahandang tumanggap ng responsibilidad sa sambahayan, mahuhulog sila sa kapabayaan, lalo na kapag sila’y nagkaroon na ng mga anak. Kaya bago lumusong sa pag-aasawa, dapat tiyakin kapuwa ng lalake at ng babae na sila’y nakahanda nang gumanap ng mga pananagutang kanilang haharapin.
Ang unang dapat tiyakin ng isang lalaking mag-aasawa ay ang pagkakaroon niya ng matatag na hanapbuhay upang matustusan ang panga-ngailangan ng kaniyang magigigng sambahayan, gaya ng itinagubilin ni Apostol Pablo:

“……Bagkus ay magtrabaho at gamitin ang kanyang kamay sa mga bagay na mapapakinabangan para may maitulong siya sa mga nangangailangan.” (Efe. 4:28).

Ang mga kababaihan naman ay tinuruan ni Apostol Pablo na magsilbing gabay sa kanilang mga anak sa pagtataglay ng mabubuting katangian, tulad ng pagiging “ mabait,malinis at masipag sa tahanan” (Tito 2:5).

Upang maiwasan ang pag aasawa nang hindi nakahanda, mahigpit ding itinagubilin sa mga magkasintahan pa lamang na huwag silang magkaroon ng ugnayang seksual (premarital sex) sapagkat ito’y para lamang sa mga mag-asawa. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit ang marami ay napapasubo sa hindi napapanahong pag aasawa. Dapat igalang ang pag aasawa sapagkat tiniyak ng Biblia na hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya (Heb. 13:4)

2.      Katamaran o di paggawa
      
       Ang isa sa mga dahilan kaya hindi matustusan ng isang magulang ang panga ngailangan ng kaniyang pamilya at ito ring dahilan ng kaniyang kahirapan ay ang katamaran. Ang sabi ng Biblia:

“Ang kamay ng tamad ay tiyak na magdarahop.” (Kaw. 10:4 Magandang Balita Biblia).

Tiyak na maghihirap ang sambahayan ng mga tamad na magulang. Kung ang ama ay ayaw gumawa gayong siya’y malakas at kaya namang magtrabaho, tiyak na hindi niya maipagkakaloob ang panga-ngailangan ng kaniyang pamilya – hindi niya maibibigay ang sapat na pagkain at maayos na pananamit, at hindi niya mapag aaral ang kaniyang mga anak. Hindi niya magagawang bigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang sambahayan.
Ang asawang lalake ang pinapanagot na magpakasipag sa paghahanapbuhay (Gen 3:19) upang siya’y may maitustos sa mga pangangailangan ng kaniyang sambahayan (Efe. 4:28). Tungkulin niya na bigyan ang mga anak ng maayos na tirahan, sapat na pagkain, aayos na pananamit, at mabuting edukasyon. Makabubuti rin kung magagawa niyang maipag impok ang mga anak.

“..Tutal, ang magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, hindi ang mga anak para sa mga magulang” (II Cor. 12:14 NPV).

Gayunman, hindi lamang ang ama ang nararapat magpakasipag. Ang asawang babae ay dapat ding magpakasipag sa pagsubaybay sa kaniyang tahana at sa mga anak:

“Kung magkagayon, matuturuan nila ang mga kabataang babae na ibigin ang kanilang asawa at mga anak, magpigil sa sarili, malinis, masipag sa tahanan, maging mabait, at napasasakop sa asawa upang hindi mapulaan ang salita ng Diyos” (Tito 2:4-5)

“Sinusubaybayan niyang mabuti ang kaniyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw araw. Iginagalang siya ng kaniyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak: Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila’y nakahihigit ka.” (Kaw. 31: 27-29, MB).

Kaya, marapat lamang na gumigising ang ina nang maaga upang maipaghanda ang mga pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Dapat din niyang subaybayang maayos ang pag aaral ng mga anak at matamang turuan sila sa pagsunod sa mga utos ng Diyos at ng kabutihang asal. Hindi siya dapat magaksaya ng panahon sa pangangapit bahay at lalo na sa pag hahatid dumapit (I Tim. 5:13 ).

3.     Pagkakaroon ng masamang bisyo

Ang pagkakaroon ng masamang bisyo tulad ng paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagsusugal, at iba pang katulad nito ay malaking dahilan kung bakit may mga magulang na nakakapag pabaya sa kanilang sambahayan. Ang malaking bahagi ng kanikita ng magulang ay tiyak na hindi pakikinabangan ng kaniyang pamilya kung ito’y ginugugol sa pagkakasala. Halimbawa ay ang pakikiapid o pakikipag relasyon sa iba ng isang may asawa- ito ay magiging dahilan din ng pagpapabaya at pagkukulang sa sambahayan. Ayon sa Biblia:

“ Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid.: (Kaw. 5:10).

Bukod dito, ang pakikiapid ay isang mabigat na kasalanan sa harap ng Diyos na ang parusa ay tiyak na kapahamakan sa dagat dagatang apoy (Apoc. 21:8).

Samantala, ang pagka lulong sa alak at sa ipinag babawal na gamot ay hindi lamang nakababawas sa malaking bahagi ng kinikita ng isang magulang, kundi nakapipinsala din sa kalusugan at paghahanap buhay. Ang tiyak na kahahantungan nito ay kahirapan (Kaw. 23:20-21). Ang pagkalulong naman sa sugal ay karaniwang nagbabaon sa tao sa pagkakautang at nagiging dahilan din ng pagkaubos ng kabuhayan. Ito, gaya ng pagkakalulong sa bawal na gamot, ay nagbubulid din sa tao upang magnakaw at kung minsan ay pumatay.

Dahil dito, ang masamang bisyo ay dapat iwasan ng mga magulang sapagkat makasisira ito sa maayos na kalagayan ng sambahayan.  

4.     Paghihiwalay ng mag asawa
Ang paghihiwalay ng mag-asawa ay magbubunga ng pagkawasak ng sambahayan at ang unang nagiging biktima nito ay ang mga anak. Ang iba sa mga anak ay sumasama sa ina, ang iba nama’y sa ama, o kaya’y nakikitira nalang sa kamag anak o sa mga kakilala. Hindi naibibigay sa kanila ang sapat na paggabay na tungkuling dapat gampanan ng kanilang mga magulang.

Kaya hindi dapat maghiwalay ang mag-asawa. Ang pag hihiwalay ng mag asawa ay taliwas sa layunin ng Diyos sa pagtatatag niya ng pag-aasawa. Ganito ang nakasulat sa Biblia:

“Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina; at ang dalawa ay magiging isang laman.” (Efe. 5:31).

Mahigpit ang aral ng Diyos na walang karapatan ang sinumang tao na papaghiwalayin ang kaniyang pinapagsama (Mat. 19:6). Kaugnay nito ay mahigpit ding itinagubilin sa mag asawa na mamuhay na magkasama:

“Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama’y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.” (I Ped. 3:7)

Kaya hindi dapat humiwalay ang babae ni ang lalake sa kaniyang asawa ( ICor. 7:10-13). Kung ang mga asawa ay mayroong hindi pagkakaunawaan, dapat silang mag usap nang maayos at sikaping sila’y magkasundo. Hindi mabuti na pairalin ang PRIDE o ang pagmamataas. Dapat ay magbigayan at ayusin nang mahinahon ang anumang dahilan ng hindi pagkakasundo.

Ang Sambahayang kinakandili ng Diyos.

Ang bawat magulang ay mananagot na kandilihin ang kaniyang pamilya. Ngunit higit sa pagkandili ng mga magulang ay ang pagkandili ng Panginoong Diyos. Kaya, ang unang unang dapat pagyamanin ng mga magulang ay ang kaugnayan nila sa Diyos. Dapat nilang tiyakin na nasusunod ng bawat miyembro ng pamilya ang mg autos ng Diyos.

Tinitiyak ng Biblia na ang sambahayang may takot sa Diyos sa paraang sumusunod sa Kaniyang mg autos ay pagpapalain niya:


“ Mapalad ang bawat tao na kay Yehweh ay may takot, Ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan, Ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay. Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga, Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, Buhay niya ay uunlad at pagpapalain.” (Awit 128:1-4 MB).

Tuesday, September 3, 2013

Sign of the Cross



Kung tayo po ay mapag masid sa ating mga kaibigan na katoliko ay mapapansin natin na madalas silang nag AANTANDA o ang tawag sa English ay SIGN OF THE CROSS. Malimit nila itong ginagawa kapag sila ay madarasal, mapapadaan sa kanilang simbahan,kung sila ay natatakot, o iba pa mang gawain nila, sapagkat sa kanilang paniniwala ay makatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay at makalulugod sa Diyos.

Anu ba itong PAG AANTANDA na kanilang ginagawa? Mabuti po ay basahin natin ang aklat katoliko na may pinamagatang “Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko sa Pahina 11”

"ANG TANDA NG SANTA KRUS

"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa: ang magantanda at ang magkrus. ANG PAGAANTANDA AY ANG PAGGAWA NG TATLONG KRUS NANGHINLALAKI NG KANYANG KANANG KAMAY; ANG UNA'Y SA NOO,... ANG TANDA NG SANTA KRUS AY SIYANG TANDA NG TAONG KATOLIKO,.." [Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, Page 11]

Ang Sagot sa atin ng aklat na sinulat ng Paring si Enrique Demond, kaya isinasagawa ang PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay sapagkat ito ay TANDA ng taong Katoliko. At totoo naman ito dahil madali mo naman talagang makilala ang Katoliko sa Hindi Katoliko, kapag nasa sasakyan ka, pag napatapat sa Simbahan, at may nag-antanda eh alam mo na kagad na Katoliko iyon. Walang pag aalinlagan sa ikakikilala sa isang katoliko sapagkat ito ang itinuro sa kanila ng kanilang mga Pari.
Paano ang pagsasagawa ng PAG AANTANDA? Ayon narin sa aklat na ating binasa; ito ay paggawa ng tatlong krus ng hinlalaki ng KANANG KAMAY; ang una ay sa NOO.
Kaya kahit kaliwete ang taong katoliko ay kanan ang kaniyang gagamitin sa PAG AANTANDA; sapagkat ganon ang paraan na itinuro sa kanila. Unang lalapat ang Hinlalaki ng kanang kamay sa NOO. Hindi sa anu pamang bahagi ng katawan.

At dahil sa ito ay PAGAANTANDA na gamit ang KANANG KAMAY at NOO, kaya ito ay maaari nating tawagin na TANDA SA NOO at KANANG KAMAY.

Anu ang mababasa natin sa biblia tungkol sa TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY? Ito ba ay tanda ng taong maliligtas? Ito bang tandang ito ang ibinigay para maging mga tunay na lingkod ng Diyos? Mabuti pa ay basahin natin mula sa Biblia,
Ang Tanda sa Noo at Kanang Kamay

Apocalypsis 13:16 “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”
Ang sabi sa biblia binigyan ng TANDA sa KANANG KAMAY, o sa NOO.

Mabuti ba ang pagkakaroon ng tandang ito? Ano ba ang idududulot sa tao kung mananatiling magkakaroon o magsasagawa ng tandang ito?

Apocalypsis 14:9-11 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY, Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."

Ayun ang liwanag ng sinabi ng Biblia na ang mga taong nagsasagawa ng PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay ang mga taong mapapahamak, “PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI” walang hanggang kaparusahan ang saapitin. Kakila kilabot po ito mga kaibigan naming Katoliko.  

Anu ang pagamin ng isang Pari na si Aniceto dela Merced? Ganito ang nakatala sa kanyang aklat  na kung tawagin ay PASIOSN CANDABA, sa pahina 210.

"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang."
[Pasion Candaba, isinulat ng Paring si Aniceto dela Merced, Page 210]

Sabi ng Pari, ang nagtataglay ng TANDANG ito ay kabilang sa mga tao na tinatawag na Anti-Cristo o kalaban ni Cristo kaya po tiyak na mapapahamak at hindi maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya bakit pa ito tuluyang gagawin ng ating mga kaibigang katoliko? Kapag talagang inunawa ito ng ating mga kaibigan, tiyak na titigilan na nila ang ginagawa nilang Pag AANTANDA na palatandaang ibinigay sa mga taong KATOLIKO. Hindi ito ikaliligtas bagkus ay tiyak na ikapapahamak pa.

“Tanda sa Noo at Kanang Kamay” iba raw sa “Tanda sa Noo o Kanang Kamay”

Sa kagustuhan namang makapangatuwiran (o magpalusot as usual) ng mga kaibigan nating Catholic Defenders, ang nakalagay daw sa talata ay “TANDA SA NOO O KANANG KAMAY” at hindi daw “TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY”, sinasadya daw ng mga ministro sa INC na palitan ang “O” ng “AT” para daw mapalitaw na ang Katoliko ang tinutukoy, nagkakasala daw ang mga ministro sa INC sa ginagawa nilang ito na maging ang Biblia daw pinapalitan ng salita para mabagao ang kahulugan. Makalulusot kaya ang panga ngatwiran nila? Atin itong patunayan

Kaya puntahan po natin ang nasabing talata sa Bibliang Griego ang orihinal na wikang ginamit sa pagsulat ng Bagong Tipan:

Revelations 13:16 “και ποιει παντας τους μικρους και τους μεγαλους και τους πλουσιους και τους πτωχους και τους ελευθερους και τους δουλους ‘ινα δωση αυτοις χαραγμα επι της χειρος αυτων της δεξιας η επι των μετωπων αυτων”

Pagbigkas:

kai poiei pantas tous mikrous kai tous megalous kai tous plousious kai tous ptōkhous kai tous eleutherous kai tous doulous hina dōsē autois kharagma epi tēs kheiros autōn tēs dexias ē epi tōn metōpōn autōn

Revelations 13:16 AndG2532 he causethG4160 all,G3956 both smallG3398 andG2532 great,G3173(G2532) richG4145 andG2532 poor,G4434 (G2532) freeG1658 andG2532 bond,G1401 toG2443 receiveG1325 G846 a markG5480 inG1909 theirG848 rightG1188 hand,G5495 orG2228 inG1909 theirG848 foreheads:G3359 [KJV with Strong’s Concordance]

Ang salitang Griegong “η” [ē] (pansinin ang letrang kulay pula sa itaas) na sa English ay isinalin bilang “OR” na sa tagalog ay “O”, ay maniniwala ba kayo na kasing kahulugan din ng salitang “AND” na sa tagalog ay “AT”?

Tingnan ang paliwanag na ito ng isang kilalang Greek Dictionary:

G2228
ἤ ē ay
A primary particle of distinction between two connected terms; disjunctive, or; comparative, than: - and, but (either), (n-) either, except it be, (n-) or (else), rather, save, than, that, what, yea. Often used in connection with other particles. Compare especially G2235, G2260, G2273.
[Strong’s Greek Dictionary]

Kitang-kita sa dictionary na kasama sa kahulugan nito ang salitang “and”.

At dahil sa ang salitang “η” [ē] ay kasing kahulugan din ng salitang “AND” o “AT” sa tagalog, ay hindi kailan man magiging maling sabihin na:

“TANDA SA NOO ‘O’ KANANG KAMAY” 

ay katumbas din ng

“TANDA SA NOO ‘AT’ KANANG KAMAY”

Wala po iyang pagkakaiba kung sa orihinal na wikang ginamit sa Biblia na wikang Griego ang pag-uusapan. Kaya po hindi nagkakamali ang INC sa bagay na iyan. Hinding hindi ito maikakaila sapagkat maliwanag pa sa sikat ng araw ang pag papaliwanag ng mga Ministro ng Iglesia ni Cristo walang pinipilipit na talata bagkus ay pinapaliwanag na may karunungan ang mga salitang ipinagkaloob ng Diyos sa kanyang Sugo.


At para lalo nating matiyak na talagang ang Apocalypsis 13:16 ay sa mga Katoliko tumutukoy, itloy lang ang pagbasa sa talatang 17 hanggang 18, at ganito ang ating matutunghayan:

Apocalypsis 13:17-18 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, KUNDI SIYANG MAYROONG TANDA, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”

Ang nagbigay o siyang nag-utos na ang mga tao’y magkaroon ng TANDA sa NOO AT KANANG KAMAY ay ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666], na ang kinatuparan nito ay ang PAPA sa ROMA, at kung nais mabasa ang kumpletong pagtalakay, puntahan ang LINK na ito:


http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/07/kaiba-ang-pamamaraan-ngdiyos-kapag-siya.html



Kaya po sa mga kaibigan naming mga Katoliko, tigilan na ninyo ang gawaing iyan, dahil ang PAGAANTANDA ng KRUS, o pagsa-SIGN OF THE CROSS ay TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY, tanda ng mga taong mapapahamak, isang gawaing hindi po makapagliligtas kundi magdadala sa kaparusahang walang hanggan sa araw ng paghuhukom. Ang pinaka maganda ay tuluyan na ninyong lisanin ang Iglesia Katolika; sapagkat sa relihiyong iyan natupad ang pagtalikod sa unang iglesia at katuparan din ng taong may bilang na 666. Tiyak na tiyak na walang kaligtasan ang sinumang kaanib sa IKAR.

Monday, September 2, 2013

Pagsamba sa mga Rebulto



Hindi lingid sa ating kaalaman na may pangkatin ng relihiyon na gumagawa ng pagsamba’t, paglilingkod sa mga rebulto o sa mga larawang inanyuan. Ang pagkakaalam nila na ang kanilang paglilingkod sa mga Rebulto o mga larawan ay nakalulugod sa panginoong Diyos. Pilit silang binulag ng mga Paring katoliko sa pag tuturong ang mga gayong gawain ay katanggap tangap sa Diyos. Iminamatuwid pa nila na “kung bawal daw ang paggawa ng larawan ay dapat naring ipagbawal ang paggawa ng mga larawan o rebulto ng mga bayani gaya ni Rizal.” Tinutuligsa din nila ang rebulto ng kapatid na Felix Manalo at sinasabing tayo may gumawa rin ng rebulto. Lahat ba ng larawan ay bawal ng gawin tulad ng mga larawan ng ating mga mahal sa buhay? Anung uring larawan o rebulto ba ang ipinagbabawal ng Diyos? Ganito ang ating mababasa sa Exodo 20:3-5

 “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”

Maliwanag po ang pahayag mismo ng Diyos “ Huwag kang gagawa para sayo iyo ng larawang inanyuan o kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, O PAGLILINGKURAN MAN SILA;” Baket ayaw ng Diyos na gumawa ang tao ng ganung uri ng mga larawan na pagtapos gawin ay paglilingkuran? Sapagkat ang Diyos ay mapanibughuin. Anu ang pagtuturing ng Diyos sa mga larawan o rebultong nilikha ng tao na pagkatapos ay paglilingkuran.? Ibang mga diyos sa harapan nya o diyos diyosan, hindi tunay na diyos. Diyan galit na galit ang tunay na Diyos na magkaroon ng iba liban sa kanya.
Bumasa pa tayo ng mga sunod sunod na talata ng Biblia ukol sa paggawa ng mga larawan o rebulto na ipinagbabawal ng Diyos at saka ninyo bulay bulayin lalo ng n gating mga kaibigang Katoliko na makababasa nito; na kung ang mga ito nga ay ginawa ng Iglesia Katolika.

 DAN 5 :23  “Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga diyos NA PILAK, at GINTO, TANSO, BAKAL, KAHOY at BATO, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.”


HAB 2:18-19 “Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na TAGAPAGTURO NG MGA KASINUNGALINGAN, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? 19  Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka!  Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.”


JER 2 :27 “ Na nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka’t kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha; nguni’t sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami,

JER 10 :3-5  “Sapagka’t ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan; sapagka’t may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol. 4  Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos. 5  Sila’y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka’t hindi makalakad. HUWAG NINYONG KATAKUTAN ANG MGA YAON, sapagka’t hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti”.  
                                                    

AWIT 114 : 4-8 “ ANG KANILANG MGA DIOSDIOSAN AY PILAK at GINTO, Yari ng mga kamay ng mga tao.5  Sila’y may mga bibig, nguni’t  sila’y hindi nangagsasalita; Mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;6  Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig, Mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi nangakakaamoy;7  Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakakatangan; Mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakalakad; Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.8  ANG NAGSISIGAWA SA KANILA AY MAGIGING GAYA NILA; OO, BAWA’T TUMITIWALA SA KANILA.”

DEUT 29 :17  “At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal, at ang kanilang mga IDOLO, na kahoy at bato,pilak at ginto na nasa gitna nila:”

JER 10 :9 “ May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; AZUL at KULAY UBE ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.”

HOS 13 :2  At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; MAGSIHALIK sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Ang tanong po natin ngayon; totoo bang ganito ang ginawa ng Iglesia Katolika? Nagpuri sila sa mga larawang inanyuan? Mga rebulto na inukit ng mga dalubhasa  mula sa kahoy, bato. Pilak o ginto, nang magkaroon ng kalamidad saan naka harap ang mga taong katoliko para humingi ng tulong? Mga larawang dinadalanginan may bibig na di nakakapag salita, may tainga na hindi nakakarinig, mga larawan o rebultong IDULO. Ang mga larawan na kasabay ng ating mga talata sa itaas ay nagpapatunay ng kasagutan sa ating mga katanungan.
Ang mga kaibigan nating katoliko ay may iminamatuwid “ hindi daw sila sumasamba sa larawan o rebulto, iyon daw pagluhod nila sa larawan o rebulto ay patungkol doon sa may ari ng larawan at hindi sa larawan mismo. Hindi raw sila tinuruan ng mga pari na sumamba sa larawan, ang kanila daw ginagawa ay direktang patungkol sa Diyos” totoo kaya ito?
 Ngunit may pag amin parin ang mga paring katoliko hingil sa pagsamba nila sa mga larawan. Para sa lalong ikatitibay tunghayan po ninyo.

Pag amin ng mga Pari

Ang mga awtoridad Katoliko, mga Pari, ay karaniwan ng gumagawa at naglalathala ng mga Aklat na siyang ginagamit nila sa kanilang pagtuturo.  Marahil ay ikagugulat ng isang Katoliko na nagsasabi na siya’y hindi sumasamba sa larawan kung kaniyang makikita at mababasa na ang kanilang mga aklat mismo na sinulat ng kanilang mga Pari ay umaaamin na sila nga ay sumasamba sa larawan.

Narito ang katibayan, sa isang aklat Katoliko na may pamagat na “Siya ang Inyong Pakinggan:  Ang Aral na Katoliko, na sinulat ng isang pari na si Enrique Demond, ay ganito ang ating mababasa:

“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo,…”    [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 ]

Kitang-kita sa aklat na ito ang pag-amin ng Pari na ang mga Katoliko’y sumasamba sa larawan, sa pagsasabing sinasamba nila ang larawan ni Cristo.  Pero kahit na sabihin pa nila na ang sinasamba nila ay ang larawan ni Cristo, ay wala naman po tayong mababasa kailan man sa mga pahina ng Biblia na ipinag-utos na sambahin ang larawan ni Cristo, kaya maliwanag kung gayon na talagang sumasamba sila sa larawan.

Hindi lamang iyon, narito pa ang isa, Isang munting aklat Katoliko na may pamagat na“Catesismo”  na tinagalog ng Pari na si Luis de Amezquita , ganito naman ang ating mababasa:

“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito:  Sinasamba kita,”  [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82].

Dito naman sa aklat na ito ay maliwanag na inuutusan ang isang Katoliko na agad na manikluhod o lumuhod pagkagising sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan, at pagkatapos ay sasabihin sa harapan nito ang mga katagang: “Sinasamba Kita”.  Hindi ba iyan maliwanag na pag-uutos sa isang Katoliko na lumuhod at sumamba sa isang Larawan?
Kaya nga sabihin man nila na hindi sila sumasamba kung ang nakikita naman natin ay ang kanilang ginagawa: sila ay lulumuluhod at nananalangin sa harapan ng mga larawan ng mga tinatawag nilang mga Santo, hindi ba iyon ang nagpapatunay na sila ay sumasamba dito?  Dahil sa Biblia ang katumbas ng gawang pagyukod o pagluhod ay pagsamba, basahin natin:

Awit 95:6  Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.”

At maliwanag namang sinabi ng Diyos na ang pagyukod o pagluhod sa mga ito ang kaniyang ipinagbabawal hindi po ba? Balikan po natin ang sinasabi ng Diyos sa aklat ng Exodo:

Exodo 20:3-5  “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.  Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”

Kaya ang mismong pagluhod na ginagawa ng mga tao sa mga larawang ito, ay ang mismong ipinagbabawal ng Panginoong Diyos.  Aminin man nila o hindi, ang ginagawa nilang ito ay maliwanag na pagsamba at pagluhod sa mga larawan na kasuklam-suklam sa Panginoong Diyos. Binanggit din ng Diyos na hindi natin dapat paglingkuran ang mga larawang ito.  Hindi ba’t nakikita nating kanilang pinapasan, binibihisan, sinasabitan ng mga bulaklak, ipinagpuprusisyon, pinapahiran ng panyo, ipinagpipiyesta at kung anu-ano pa na ito’y maliwanag na pagsisilbi o paglilingkod sa larawan na hindi rin po dapat na gawin.

Kumuha pa tayo ng dagdag na katibiyan ng kanilang pag-amin sa gawaing ito, sa isa pang aklat Katoliko:

“13. Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
             
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”

“14. Ano ang tinatawag nating mga relikya?

   Tinatawag nating mga Relikya:
1.            Ang mga labi ng katawan ng isang santo na pinapaging-binal o inihanda sa pagiging banal ng Iglesia [Katolika];”

2.                Ang mga bagay na naging pag-aari ng mga santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang kasuotan, mga ataol, at iba pa

“15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?
        
            Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan ng ating Panginoong, tulad ng sa pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba”.  [Salin sa Filipino mula sa Cathecism of Christian Doctrine, inilathala ng De La Salle College, pahina 95]

Maliwanag na ipinakita sa atin ng aklat Katolikong ito na ang sinasamba nila sa isang kinikilala nilang santo ay ang kaniyang katauhanlarawan, at relikya. Hindi po ba ang mga santo ay mga tao lamang? Sinasabi po ng aklat na ito na ang mga larawan ng mga santo ay dapat nating sambahin. Dapat po ba tayong lumuhod sa harapan ng mga tinatawag na santo o iyong mga taong banal? Maliwanag naman na kabawal bawalan ito ng Diyos. Saan ang bahagi ng mga taong sumasamba sa mga dios diosan? Ganito ang nakasulat sa

Apocalypsis 21:8
  “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

Apocalypsis 20:14  “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”

Maliwanag na itinuro ng Biblia na ang bahagi ng mga sumasamba sa diosdiosan ay sa IKALAWANG KAMATAYAN sa dagat dagatang apoy. Anu ang katumbas nito walang kaligtasan ang mga taong sumasamba sa mga rebulto; mga taong nagsalig ng kanilang pag asa sa nilikha ng mga kamay ng tao.
Kaya ganito po ang pagmamalasakit naming mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa pagsasabi ng katotohanan; hindi namin layuning siraan ang ating mga kaibigan bagkus ay nais naming ipaalam sa kanila ang kanilang mga ginagawalang labag sa utos ng Diyos. Anu ba ang nais ng Diyos na gawin ng mga taong nakaalam ng katotohanan tulad nito? Ganito ang nakasulat sa

Judas 1:23  At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”
Itinuring na ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na obligasyon ang paghahayag ng katotohanan sapagkat kailangan maagaw ang mga tao sa nalalapit na kaparusahan sa araw ng Paghuhukom


Maaari bang Igawa ng Larawan ang Tunay na Diyos?

Marami ang nagkaroon ng maling paniniwala na ang Diyos ay may larawan mabuti po ay ating alamin mula mismo sa biblia kung may larawan ba talaga ang Diyos tulad ng inakala ng iba?

Deuteronomio 4:15
  “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:”

Maliwanag ang pahayag ng Diyos na siya ay walang anomang anyo. Bakit? Ano ba ang kalagayan ng Diyos?

Juan 4:24  Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Maliwanag ang sagot ng Panginoong Jesus, ang Diyos ay Espiritu, ano ba ang isang espiritu?

Lucas 24:39  “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Ang isang Espiritu ay walang laman at mga buto, samakatuwid ang Diyos ay walang laman at mga buto kaya wala siyang anomang anyo. Eh maigagawa ba siya ng larawan?

Isaias 46:5  Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?”

Maliwanag ang pahayag ng Diyos, wala siyang kagaya, kawangis o kamukha, kaya imposible na maigawa ng tao ang Diyos ng larawan, dahil hindi nakikita ang Panginoong Diyos:

1 Timote 1:17  “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikitasa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.”

Kaya po kung may magsasabi sa atin na ang isang larawan ay iyon ay mukha ng Diyos, tiyak na tiyak na natin na hindi totoo ang kaniyang sinasabi, dahil hindi kailanman maaaring maigawa ng larawan ang Diyos. At kailanman ay hindi niya ibibigay ang kaniyang kaluwalhatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan lamang ng tao:

Isaias 42:8  “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”

Paano ang marapat ng pagsamba sa Diyos?
Paano ba natin magagawa ang marapat na pagsamba sa Diyos? Atin na pong nalaman na hindi sa pamamagitan ng paggamit ng mga larawan. Atin pong tunghayan ang pahayag ng Panginoong Jesus:

Juan 4:23  Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” 

Sabi ng Panginoong Jesus ang mga tunay na mananamba sa Diyos ay sinasamba siya sa Espiritu at Katotohanan,  ito ang marapat na paraan na pagsamba sa Diyos na dapat nating gawin dahil ito ang hinahanp ng Diyos na maging mananamba sa kaniya.

Paano ang pagsamba sa Ama sa espiritu?

Mateo 6:9  “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka,Sambahin nawa ang pangalan mo.”

Ang pagsamba sa Ama sa Espiritu ay ang pagsamba sa kaniyang pangalan at hindi sa kaniyang larawan?  Maliwanag po iyan.  Paano ba ang pagsamba sa pangalan ng Diyos, isusulat ba natin ang kaniyang pangalan sa isang papel pagkatapos ay ididikit sa pader at ating luluhuran? Ganun po ba?  Hindi po ganun, narito po ang sagot:

Hebreo 13:15  Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.”

Kapag ating pinupuri at binibigkas o sinasabi ang pangalang ipinantatawag natin sa kaniya, ito ang pagsamba sa kaniya sa espiritu.  Ano ang pangalang iyon?

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”

“Ama” ang ating dapat itawag sa nagiisa at tunay na Diyos, na Diyos din ng Panginoong Jesus.

Paano naman ang pagsamba sa Ama sa katotohanan?

Mateo 6:10  “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.”

Ang pagsamba sa kaniya sa katotohanan ay ang pagsunod na dapat nating gawin sa kaniyang mga kalooban o mga kautusan, dahil ito ang buong katungkulan ng tao.

Ecclesiastes 12:13  “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”

Ito ang marapat na pagsamba sa Diyos na dapat nating isagawa, upang tayo ay maging kalugodlugod sa kaniyang paningin. Hindi ang pagluhod sa mga larawan na itinuro ng mga Paring katoliko; taliwas na taliwas sa aral ng Diyos ang kanilang pagtuturo.