TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, June 4, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikapitong Bahagi)Ang Orihinal na Paniniwala ng mga Unang Cristiano



Pinatutunayan ng mga tagapangaral ng iba’t ibang relihiyon na ang paniniwalang si Cristo ay Diyos ay hindi paniniwala ng mga unang Cristiano.

NAUNAWAAN NATIN MULA sa mga manunulat ng Bagong Tipan na tinaglay ng mga unang Cristiano ang paniniwala na ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos (Juan 17:3, Salita ng Buhay). Hindi nila tinaglay ang isipang pinalaganap ng iba na si Cristo raw ay eksistido o umiiral na bago Siya ipanganak ni Maria at Siya raw ay Diyos na nagkatawang-tao. Wala silang aral na si Cristo ay Diyos. Pinatutunayan ito maging ng ibang mga nagsaliksik tungkol sa buhay at mga aral ni Cristo. Ganito ang Patotoo ng isang iskolar na Protestante na si George E. Ladd:

“Binabasa natin ang mga Ebanghelyo at mga aklat ng mga Gawa sa liwanag nating pagkaunawa sa pre-eksistensiya at sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak. Suabalit, ang mga unang Cristiano ay walang gayong konsepto sa kanilang mga isipan. Wala silang doktrina tungkol sa pagka-Diyos ni Cristo…” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)1

Ipinahayag din ng paring Katoliko na is Richard P. McBrien na hindi Diyos ang pagtuturing ng mga manunulat ng Bagong Tipan kay Cristo:

“Ni hindi man lamang karaniwang binabanggit ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang tungkol kay Jesus bilang ‘Diyos’…” (Catholicism, p. 346)2

Maging ang paring Jesuita na is Pedro Sevilla ay nagpatotoo rin na si Cristo ay hindi tinawag na Diyos sa mga kauna-unahang araw ng Cristianismo:

“Kaya’t hindi maaaring sabihin na tinatawag nang Diyos si Jesus noong mga kaunaunahang araw ng kristiyanismo.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano, p. 32)3

Katugma ito ng pahayag ni Shirley C. Guthrie ng Presbyterian Church na sumulat ng aklat na pinamagatang Christian Doctrine: “Hindi tuwirang sinabi ng mga pankaunang Cristiano na si Jesus ay Diyos o na ang Diyos ay si Jesus” (p. 94).4

Sa kaniyang komentaryo ay sinabi naman ni George Lamsa na sa mga unang araw ng Iglesia ni Cristo ay hindi tinawag na Diyos si Jesus: “Si Jesus ay hindi tinawag na Diyos sa mga unang araw na yaon…” (New Testament Commentary, p. 149).5

Tinatanggap kapuwa ng mga teologong Katoliko at Protestante na hindi inisip ni Cristo na Siya ay Diyos:

“Ang krisis ay bumangon mula sa pangyayaring ngayon ay malayang tinatanggap kapuwa ng mga Protestante at Katolikong teologo at tagapagpaliwanag ng Biblia: na batay sa mauunawaan mula samga makukuhang datos na pangkasaysayan, hindi inisip ni Jesus na taga-Nazaret na siya ay Diyos ….” The First Coming: How the Kingdom of God Became Christianity, p. 5)6
Inaamin din ni John A. T. Robinson ng Anglican Church na hindi kailanman itinuro ni Cristo na Siya ay Diyos:

“Kailanman’y hindi personal na inangkin ni Jesus na siya ang Diyos: gayunman lagi niyang inaangkin na dinadala niya ang Diyos nang lubusan …” (Honest to God, p. 73)7

Maliwag, mula sa mga patotoo ng mga tagapangaral ng iba’t ibang relihiyon, na ang paniniwalang si Cristo ay Diyos ay hindi paniniwala ng mga unang Cristiano.

Ano, kung gayon, ang orihinal at wastong paniniwala tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo? Ano ang paniniwala ng mga unang Cristiano at ng mga manunulat ng Bagong Tipan? Tunghayan natin ang patotoo ng Bibilia:

Tao si Cristo ayon kay Apostol Pablo. “Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)

Tao si Cristo ayon kay Apostol Pedro. “Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Magandang Balita Biblia)

Tao si Cristo ayon kay Apostol Mateo. “Ganito ang pagkapanganak kay Cristo. Si Maria ay nakatakdang pakasal kay Jose. Ngunit bago sila magsama, nagdalang-tao si Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” (Mat. 1:18, New Pilipino Version)

Tao si Cristo ayon sa anghel ng Panginoon. “Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.” (Mat. 1:20)

Malinaw sa mga talatang ating sinipi na sa paniniwala ng mga unang Cristiano, si Cristo ay tao. Ito ang orihinal na paniniwalang Cristiano. Ang katotohanang ito ay pinatutunayan din ng ibang mga nagsaliksik sa buhay, mga aral, at likas na kalagayan ni Cristo.

Si George Eldon Ladd ay nagsabing:

“Mula sa gayong mga talata, maaari nating ikonklusyon na ang unang kaisipang Cristiano tungkol kay Jesus ay Siya’y isang tao na pinagkalooban ng kadakilaan ng Espiritu ng Diyos. Sa katunayan, sa mga unang kabanata ng [Akalat ng] mga Gawa, si Jesus ay dalawang ulit na tinawag na isang propetang tulad ni Moises na ibabangon ng Diyos upang ipahayag sa mga tao ang lahat ng katotohanan ng Diyos (Gawa 3:22; 7:37).” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)8

Isa namang paring Katoliko, si Ronald J. Wilkins, ang nagpapatotoo rin na ang paniniwala ng mga unang Cristiano kay Cristo ay Siya’y tao:

“Ang katangian ng paninindigang ito ay, hindi naranasan ng mga apostol at mga unang Cristiano si Jesus bilang isang Diyos na nagbalatkayong tao o bilang Diyos na nagkukunwang tao (Ito ang dahilan kaya itinakuwil ng unang Iglesia ang mga salaysay tungkol sa buhay ni Jesus na batay sa mga pala-palagay at kathang-isip). Naranasan nila siya bilang isang tao.Siya’y totoong-totoo sa kaniyang buhay, tunay na tunay na tao sa kaniyang espiritu, at lubhang kapani-paniwala sa kaniyang mga pananalita na anupa’t sila ay sumampalataya sa kaniya. Ang pakiramdam nila’yanuman ang tunay na buhay ng tao, inihayag ni Jesus bilang isang tao ang buhay na iyon.” (The Emerging Church, pp. 27-29)9

Isa pang paring Jesuita, si Charles Herzog, ay nagpahayag nang gayunding diwa:

“Kung mayroong anumang bagay na malinaw sa mga Ebanghelyo, ito ay yaong si Cristo ay tao. Siya ay mayroong tunay na katawan ng tao at tunay na kaluluwa ng tao, na pinagkalooban ng pag-iisip at kalooban ng tao.” (God the Redeemer: The Redemption From Sin As Wrought By Jesus Christ the Son of God, p. 5)10

Sinip naman ni Johannes Lehman, isang iskolar ng Biblia, ang sinabi ng istoriyador na is Bernhard Lohse:

“Gaya ng isinulat ng isang mananalaysay ng Iglesia, si Bernhard Lohse, saMotive im Glauben (Motivation for Belief): ‘Ipinaaalala sa atin ni Ario na si Jesus, gaya ng paglalarawan niya sa mga Ebanghelyo, ay hindi isang Diyos na lumakad sa lupang ito, kundi tunay na tao. Mangyari pa, sa pamamagitan mismo ng kaniyang pagiging tao ay pinatunayan ni Jesus ang kaniyang ganap na pakikiisa sa Diyos’.” (The Jesus Establishment, p. 175)11

Isang katotohanang hindi mapasusubalian na ang paniniwala ng mga unang Cristiano ay tunay na tao ang ating Panginoong Jesuscristo – hindi Siya ang Diyos. Ito ang orihinal at tunay na paniniwalang Cristiano tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo.

Pulished in God's Message (Pasugo) Oct 2007


Sunday, June 2, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikaanim na Bahagi)


Totoo kayang tinanggap na ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos noong Siya ay mabuhay na mag-uli?

AYON SA PARING Jesuita na si Pedro Sevilla tinanggap daw ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos nang Siya ay mabuhay na mag-uli. Ganito ang mababasa natin sa sinulat niyang aklat:

“Batay na rin sa kanilang karanasan ng muling nabuhay na si Jesus, tinanggap na ng mga unang Cristiano ang pagiging Diyos ni Cristo kahit wala pang mga tiyak na konsepto sa Bagong Tipan gaya halimbawa, ng substansiya (substance), kalikasan o natura (nature), at iba pa.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 29)

Nabuhay na mag-uli ngunit hindi Diyos
Totoo kayang tinaggap na ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos noong Siya ay mabuhay na mag-uli? Ano ang karanasan ng mga unang Cristiano nang si Cristo ay mabuhay na mag-uli? Sipiin natin ang pahayag ni Apostol Juan sa sinulat niyang Ebanghelyo:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao’y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin, Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria, Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Juan 20:15-17)

Doon pa lamang sa libingan, nang pumaroon si Maria Magdalena, ay natiyak na niyang si Jesus, nang mabuhay na maguli, ay hindi Diyos. Maliwanag ang sinabi sa kaniya ni Jesus, “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, aking Dios at inyong Dios.” Hindi sinabi ni Cristo na Siya ang Diyos.

Si Lucas ay nagbigay rin ng salaysay tungkol sa karanasan ng mga alagad ni Cristo noong Siya ay mabuhay na mag-uli:

“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” (Lucas 24:36-39)

Mababakas din natin sa ebanghelyo ayon kay Lucas na si Cristo ay hindi Diyos noong mabuhay na mag-uli. Itinala ni Lucas ang pagtutuwid na ginawa ni Cristo sa mga alagad nang akalain nilang Siya ay isang espiritu nang mabuhay na mag-uli. Sa kalagayan pa lamang ay magkaiba na si Cristo at ang Diyos. Si Cristo ay may laman at buto, samantalang ang Diyos ay espiritu (Juan 4:24). Hindi pinayagan ni Cristo na ang mga alagad ay manatili sa kanilang maling akala, bagkus sila ay Kaniyang itinuwid. Sinabi sa kanila ni Cristo, “Ang isang espiritu ay walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” Maliwanag, kung gayon, na kahit na noong mabuhay na mag-uli si Cristo ay namalaging Siya’y tao at hindi Diyos. Pinatutunayan ito maging ng pahayag ni Apostol Pedro:

“Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay.” (Gawa 10:39-41, Magandang Balita Biblia)

Malinaw sa pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo na nabuhay na mag-uli ay hindi Diyos. Ang bumuhay kay Cristo ay ang Diyos. Mapapansin din na nang mabuhay na mag-uli, si Cristo ay nakasalo ng mga apostol sa pagkain at pag-inom, na normal na ginagawa ng isang tao. Pinatunayan ni Apostol Pedro na tao ang likas na kalagayan ni Cristo na binuhay ng Diyos na mag-uli sa mga patay:

“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Ibid.)

Maliwanag ang pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo ay taong sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan at mga tanda na Kaniyang ginawa sa pamamagitan ni Cristo. Bakas na bakas natin sa pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo ay tao at ang kinikilala niyang Diyos ay ang nagsugo at bumuhay na mag-uli kay Cristo.

Umakyat sa langit ngunit hindi Diyos
Makaraan ang 40 araw mula nang Siya’y mabuhay na maguli, si Cristo ay umakyat sa langit. Ngunit sa mga nasulat na pahayag sa Bagong Tipan ay walang mababasang patotoo na ang Cristo ay naging Diyos nang umakyat na Siya sa langit. Nang ipahayag ni Cristo kay Maria Magdalena na Siya ay aakyat sa langit, hindi Niya sinabi na Siya ay Diyos. Sa halip, ang terminong “Diyos” ay inilaan ni Cristo para sa Ama:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao’y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni’t pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Juan 20:15-17)

Sa panahon pa ng Matandang Tipan ay hinulaan na ang pag-akyat ni Cristo sa langit. Ngunit kahit sa mga hulang iyon ay malinaw na iba si Cristo sa Diyos:

“THE LORD (God) says to my Lord (the Messiah), Sit at My right hand, until I make Your adversaries Your footstool.” [ANG PANGINOON (Diyos) ay nagsabi sa aking Panginoon (ang Mesias), Umupo Ka sa Aking kanang kamay hanggang ang Iyong mga kaaway ay gawin Kong tuntungan ng Iyong mga paa.] (Ps. 110:1, Amplified Bible)

Makikita sa hulang ito ang pagkakaiba ng tinatawag na Diyos at ng tinatawag na Cristo. Ang Panginoon na tinatawag na Diyos ang nagsabi sa Panginoon na tinatawag na Mesias, “Umupo ka sa aking kanan.” Hindi si Cristo ang Diyos, kundi Siya ang Mesias.

Pinatutunayan ito sa Bagong Tipan ng maraming ulit.

“Kung kayo nga’y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.” (Col. 3:1)

“Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.” (I Ped. 3:22)

“Ang muling bumuhay kay Cristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos.” (Efe. 1:20, MB)

Mapapansin sa mga talatang ito na walang sinasabi na sa langit ay naging Diyos si Cristo. Malinaw na ipinakikita sa mga talatang sinipi ang pagkakaiba ng Diyos at ni Cristo. Hindi si Cristo ang Diyos, kundi Siya ang nakaupo sa kanan ng Diyos. Maging si Esteban na diakono ay nagpatotoo na si Cristo ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Diyos:

“Datapuwa’t siya, palibhasa’y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao ay nakatindig sa kanan ng Dios.” (Gawa 7:55-56)

Una pa rito, ipinahayag na sa Matandang Tipan na tao ang nasa kanan ng Panginoong Diyos:

“Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.” (Awit 80:17)

Walang pag-aalinlangan na ang tinutukoy na tao na nasa kanan ng Diyos ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo, gaya ng sinasabi sa mga talatang ating sinipi. Kaya’t kahit noong si Cristo ay nasa langit na, Siya’y malimit na tinawag na tao ng mga manunulat ng Bagong Tipan.

Tinawag ni Pablo na tao si Cristo
“Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)

Tinawag ni Pedro na tao si Cristo
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, MB)

Tinawag ni Santiago na tao si Cristo
“Hinatulan ninyo at pinatay ang Taong Banal, at hindi Siya lumaban sa inyo.” (Sant. 5:6, Salin ni Trinidad)

Muling paririto ngunit hindi Diyos

Nang si Jesus ay umakyat sa langit, ipinangako Niya sa Kaniyang mga alagad na Siya ay muling paririto. Ano ang Kaniyang likas na kalagayan sa Kaniyang pagbabalik? Siya ba ay babalik bilang isang Diyos?

“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya’y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya’y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tintititigan nila ang langit habang siya’y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.” (Gawa 1:9-11)

Isinalaysay ni Lucas na samantalang tinititigan ng mga alagad ang pagdadala kay Cristo sa langit, dalawang lalaki ang nagsabi na, “Itong si Jesus … ay pariritong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon sa langit.” Samakatuwid ay walang pagbabago sa kalikasan ni Cristo – tao Siyang umakyat sa langit, tao rin Siyang magbabalik.

Maging si Apostol Pablo ay naturo na si Cristo ay muling paririto. Mababakas sa kaniyang sulat na paririto si Cristo hindi bilang isang Diyos, sapagkat ang Ama ang tinatawag Niyang Diyos:

Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.” (I Tes. 3:13)

Maliwanag na ang terminong “Diyos” ay ikinapit ni Apostol Pedro sa Ama. Hindi kailanman ginamit ni Apostol Pablo ang terminong ito kay Cristo.


Published in God's Message (Pasugo) Sept 2007


Saturday, June 1, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo Ang Kaniyang Pagkapanginoon (Ikalimang Bahagi)



“At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.” – Corinto 15:28, Magandang Balita Biblia
Maliwanag sa mga manunulat ng Bagong Tipan na si Cristo ay Panginoon ngunit hindi Siya ang Diyos. Ang tinutukoy nilang Diyos ay ang Ama ng Panginoong Jesucristo.

SA MARAMING PAGKAKATAON ay tinatawag na Panginoon si Cristo sa Bagong Tipan. Ito ay ginagamit na batayan ng iba sa kanilang paniniwalang Diyos si Cristo. Subalit, ang pagkapanginoon nga ba ni Cristo ay katunayang Siya ay Diyos? Hindi. Hindi ito nangangahulugang si Cristo ang Diyos. Iba ang Panginoong Diyos sa Panginoong Jesucristo. Ito ang pinatutunayan sa atin ng Biblia:

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)
Pansinin na sa pagtuturo ni Apostol Pedro ang Cristong Panginoon ay hindi ang Diyos. Alam ni Apostol Pedro na ang tinatawag na Diyos ay iba sa tinatawag na Cristo. Ang Diyos ang gumawa na si Cristo ay maging Panginoon.

Maging sa mga sulat ni Apostol Pablo ay makikita natin ang pagkakaiba ng Panginoong Diyos sa Cristong Panginoon. Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:

“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” (Filip. 2:9-11)

Ang Diyos ang nagpadakila at nagbigay kay Cristo ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan. Kung iniutos man na ang lahat ng tuhod ay dapat lumuhod kay Cristo, hindi ito nangangahulugang si Cristo ay Diyos, kundi, ito’y sa ikaluluwalhati ng Diyos na nagpadakila at nagbigay kay Cristo ng pangalang lalo sa lahat.

Makikita rin natin sa ibang mga sulat ni Apostol Pablo ang pagkakaiba ng Panginoong Diyos sa Panginoong Jesucristo:

“Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: ‘Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos’. (Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.) At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.” (I Cor. 15:27-28, Magandang Balita Biblia)

Maliwanag sa tinuran ni Apostol Pablo na si Jesus ay Panginoon sapagkat ang lahat ng mga bagay ay lubusang pinasuko ng Diyos sa ilalim ng Kaniyang kapangyarihan. Subalit, si Cristo ay hindi Diyos, sapagkat bagaman ang lahat ay ipinailalim sa kapangyarihan ni Cristo, gayunman, si Cristo ay paiilalim naman sa kapangyarihan ng Diyos, kung kaya’t ang Diyos ang lubusang maghahari sa kalahat-lahatan.

Mababakas din natin sa mga manunulat ng Bagong Tipan na kung tinawag man nila na “Panginoon” ang Cristo, hindi ito nangangahulugang si Cristo ang Diyos. Malaki ang pagkakaiba ng pagtawag nila ng “Panginoon” kay Cristo sa pagtawag nila ng Panginoon sa tunay na Diyos o sa Amang nasa langit sapagkat alam nilang magkaiba ang Diyos at si Cristo. Ganito ang pnatutunayan ng mga sumusunod na talata:

“Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.” (Roma 15:6)
“Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan.” (II Cor. 1:2-3)

“Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginong Jesucristo, na kayo’y laging idinadalangin.” (Col. 1:3)

“Ngayo’y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo.” (I Tes. 3:11)

“Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya.” (II Tes. 2:16)

“Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoong Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.” (Sant. 1:1)

“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay.” (I Ped. 1:3)


Maliwanag sa mga manunulat ng Bagong Tipan na si Cristo ay Panginoon ngunit hindi Siya ang Diyos. Ang tinutukoy nilang Diyos ay ang Ama ng Panginoong Jesucristo.

Kung kanino tumutukoy ang ‘Panginoong Diyos’
Sa Bagong Tipan, kapag binabanggit ang pariralang “Panginoong Diyos,” ito ay hindi tumutukoy kay Cristo. Nagpapatunay lamang ito na ang Panginoong Diyos ay iba sa Panginoong Jesucristo:

“Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo’y sasalitain niya.” (Gawa 3:22)
Sa talatang ito ay ikinapit ang titulong “Panginoon” sa Diyos ngunit ang Diyos na tinutukoy ay hindi si Cristo. Sa halip, si Cristo ang propetang tinutukoy na ititindig ng Panginoon.

Maging sa sinulat ni Lucas ay makikita ang pagkakaiba ng Panginoong Jesucristo sa Panginoong Diyos:

“Siya’y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya’y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama.” (Lucas 1:32)

Dito ay ginamit ang titulong “Panginoon” at ikinapit sa talatang ito ay hindi si Cristo. Si Cristo ang Anak ng Kataastaasan at sa Kaniya ibibigay ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David. Iba ang Panginoong Diyos na nagbigay kaysa sa Panginoong Jesus na binigyan.

Nalalaman din ni Lucas na ang Cristo na Anak ng Kataastaasan ay tatawaging “Panginoon” (Lucas 2:11), ngunit sa kabila nito, hindi niya ipinagkamali na si Cristo ang Diyos. Alam ni Lucas na iba ang Panginoong Diyos sa Cristong Panginoon.

Ang salitang Griyego na kyrios (κυριος)
Ang paggamit ng salitang “Panginoon” na katumbas ng salitang Griyego na kyrios o kurios para kay Jesus ay ipinalagay ng iba na katunayan ng diumano’y paniniwalang Cristiano na Diyos si Cristo:

“Alam natin na ang griegong Kyrios ay salitang ginamit ng Septuahinta upang isalin ang hebreong Yahweh at Adonai. Bago ginamit para kay Jesus ang Kyrios (Phil. 2:9), matagal na itong ginamit para sa Diyos ng Lumang Tipan. … Hindi maitatatwa na sa paggamit ng griyegong Kyrios para kay Jesus (Phil. 2:9) na siyang salin ng Septuahinta para sa Yahweh (Adonai) ay tinatanggap na ng mga kristiyano ang pagiging Diyos ni Jesus.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, pp. 22-24)
Ang salitang Griyego na Kyrios ay siyang matatagpuan sa Septuaginta bilang kapalit ng Tetragrammaton – pangalang ng Diyos na binubuo ng apat na letrang Hebreo. Sa takot ng mga Judio na mabigkas ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan (blasphemy) ang pangalan ng Diyos ay pinalitan nila ng terminong “Panginoon” katumbas ng Kyrios sa wikang Griyego na ito nga ang terminong ginamit sa saling Septuaginta.

Subalit dapat maunawaan na bagaman ang salitang Griyego na Kyriosay ginamit upang tumukoy sa Diyos, hindi nangangahulugang Diyos ang lahat ng pinagkapitan ng salitang ito. Sa katunayan, ang salitang Griyego na Kyrios ay hindi lamang sa Diyos at kay Cristo ginamit. Ang sinalugguhitang salita sa mga sumusunod na talata ay ang itinumbas sa salitang kyrios o kurios sa Bibliang Griyego:

·         Si Pilato ay tinawag na kurios

“Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala naming na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.” (Mat. 27:63)
·         Ang may-ari ng asno ay tinawag na kurios

“At nang kinakalag nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari niyaon, Bakit kinakalag ninyo ang batang asno?” (Lucas 19:33)
·         Si Felipe ay tinawag na kurios

“Ang mga ito nga’y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.” (Juan 12:21)
·         Ang anghel ay tinawag na kurios

“Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio. At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.” (Gawa 10:3-4)
·        
Si Pablo at si Silas ay tinawag na kurios

“At siya’y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas, At sila’y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Gawa 16:29-30)
·         Ang haring Agripa ay tinawag na kurios

“Tungkol sa kaniya’y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.” (Gawa 25:26)

Ang mga sumusunod na talata na hinango sa Matandang Tipan ay mula sa Septuaginta:
·         Si Abraham ay tinawag na kurios ni Sara

“At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, Pagkatapos na ako’y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko?” (Gen. 18:12)
·         Si Esau ay tinawag na kurios

“At inutusan niya sila, na sinasabi, Ganito ninyo sabihin sa akingpanginoong kay Esau. Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob, Dumoon ako kay Laban at ako’y natira roon hanggang ngayon.” (Gen. 32:4)
·         Si Faraon ay tinawag na kurios

“At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpog nawa kami ng biyaya sa paningin ng akingpanginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.” (Gen. 47:25)
·        
Si Jose ay tinawag na kurios

“Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.” (Gen. 45:8-9)

“Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, At pinuno sa lahat niyang pagaari.” (Awit 105:21)

Maliwanag na ang titulong “Panginoon” na ibinigay kay Cristo ay hindi katunayan na Siya ang tunay na Diyos.


Published in God's Message (Pasugo) Aug 2007

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikaapat na Bahagi)


Hindi tinawag na Diyos si Jesus sa mga Ebanghelyong Sinoptiko. Kahit sa Ebanghelyo ni Juan, hindi tiyakang sinabi ni Jesus mismo na siya ay Diyos.” –Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 32

"Tinawag ni Cristo ang Diyos na Kaniyang Ama - katumbas ng Siya ang Anak ng Diyos at hindi Siya ang Diyos."



KUNG ATING SUSURIIN ang Bagong Tipan, mauunawaan natin sa mga sinulat ng mga apostol at mga ebanghelista na hindi si Cristo ang Diyos na kanilang kinilala at ipinakilala. Ipinakilala nila si Cristo bilang “Anak ng Diyos.” Noon pa mang ibalita ng anghel kay Maria na siya ay maglilihi ay ipinagpauna na, na ang kaniyang magiging anak ay tatawaging Anak ng Diyos:

“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.” (Lucas 1:35)

Si Cristo ang Anak ng Diyos
Maging sa Ebanghelyong sinulat ni Mateo ay mababasang maliwanag na nang bautismuhan si Cristo ay narining ang tinig ng Ama na nagsasabing, “Ito ang sinisinta kong Anak”:

“At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito angsinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” (Mat. 3:17)

Ipinakilala rin si Jesus ng ebanghelistang si Marcos bilang Anak ng Diyos. Sa pagpapasimula ng kaniyang Ebanghelyo ay ganito ang sinasabi.

“Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios.” (Mar. 1:1)

Sa Ebanghelyo ayon kay Apostol Juan, si Cristo ay ipinakilala rin bilang Anak ng Diyos:

“At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.” (Juan 1:34)

Maliwanag, kung gayon, na sa mga Ebanghelyo Sinoptiko at maging sa Ebanghelyo ayon kay Apostol Juan, si Cristo ay ipinakikilalang Anak ng Diyos – hindi si Cristo ang Diyos. Ang isang paring Jesuita na si Pedro Sevilla ay sumulat ukol sa bagay na ito:

“Hindi tinawag na Diyos si Jesus sa mga Ebanghelyong Sinoptiko. Kahit sa Ebanghelyo ni Juan, hindi tiyakang sinabi ni Jesus mismo na siya ay Diyos.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 32)1

Ang patotoo ng mga apostol
Nang tanungin ni Jesus ang Kaniyang mga alagad kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Kaniya, sinabi ni Apostol Pedro na, “Ikaw ang Anak ng Diyos na buhay.” Hindi sinabi ni Apostol Pedro na si Cristo ang Diyos na buhay:

“Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao? At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, si Elias, at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa’t, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka’t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.” (Mat. 16:13-17)

Sinang-ayunan ni Jesus ang pagpapahayag ni Apostol Pedro ng kaniyang pananampalataya, at Kaniyang sinabi rito: “Hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at dugo kundi ng aking Ama na nasa langit.”

Mapapansin na tinawag ni Cristo ang Diyos na Kaniyang Ama – katumbas ng Siya ang Anak ng Diyos at hindi Siya ang Diyos. Sa aklat na The History of God ni Karen Armstrong, isang dating madre sa simbahang Katoliko, ay mababasa ang pagsang-ayon niya sa katotohanang ito:

“Hindi sinabi ni Pedro na si Jesus na taga-Nazaret ay Diyos. Siya ay tao, na pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya nang siya ay nasa gitna ninyo’.” (p. 107)2

Maging sa mga sulat ni Apostol Pablo ay malimit niyang banggitin na si Cristo ay Anak ng Diyos ngunit hindi niya ginamit ang titulong Diyos para kay Cristo. Katunayan, pagkatapos na matanggap ni Pablo ang bautismo, ang unang ipinahayag niya sa mga sinagoga ay si Jesus ang “Anak ng Diyos”:

“At pagdaka’y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.” (Gawa 9:20)

Ang pananampalataya ni Apostol Pablo na si Cristo ay Anak ng Diyos ay makikita sa kaniyang mga sulat:

“Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay,sa makatuwid baga’y si Jesucristo na Panginoon natin.” (Roma 1:4)

“Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.” (I Cor. 1:9)

“Sapagka’t ang Anak ng Dios, si Jesucristo na ipinangaral naming sa inyo,…” (II Cor. 1:19)

“Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.” (Gal. 2:20)

“Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo.” (Efe. 4:13)

Natunghayan natin sa mga sulat ni Apostol Pablo mismo kung ano ang kaniyang pananampalataya tungkol kay Cristo. Kinilala ni Apostol Pablo sa kaniyang mga sulat na si Cristo ay Anak ng Diyos. Hindi niya kailanman isinulat na si Cristo ang Diyos. Si Raymond Brown, isang paring Katoliko, ay nagpahayag sa kaniyang aklat:

“Kailanman’y hindi tinatawag na Diyos si Jesus sa mga Ebanghelyong Sinoptiko, at ang isang talatang gaya ng Mar. 10:18 ay waring nag-aalis ng posibilidad na ginamit ni Jesus para sa kaniyang sarili ang gayong katawagan. Maging ang ikaapat na Ebanghelyo [Juan] ay hindi inilalarawan si Jesus na tiyakang nagsasabing siya ay Diyos. Ang mga sermon na ayon sa Mga Gawa ay sinalita sa pagsisimula ng misyong Cristiano ay hindi binabanggit si Jesus bilang Diyos. Kaya, walang dahilan upang isiping si Jesus ay tinawag na Diyos sa mga unang yugto ng tradisyon ng Bagong Tipan. Ang negatibong konklusyong ito ay pinatitibayan ng katotohanang hindi ginamit ni Pablo [para kay Cristo] ang katawagan [na Diyos] sa alinmang epistola na nasulat bago ang taong 58.” (Jesus: God and Man, p. 30)3

Ang teologong Katoliko na is Hans Kűng ay nagpahayag din ng ganito:

“Ngunit sa kabilang dako si Jesus ay bahagyang-bahagya na tuwirang tinawag na ‘Diyos’ at kailanman ay hindi siya tinawag ni Pablo na gayon.” (On Being a Christian, p. 440)4

Kung susuriin din maging ang mga sulat ni Apostol Juan, makikitang hindi niya ginamit ang titulong Diyos para kay Cristo. Ipinakilala rin ni Juan sa kaniyang mga sulat na si Cristo ay ang Anak ng Diyos:

“Nguni’t ang mga ito’y nangasulat, upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios, at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.” (Juan 20:31)

“At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. …” (I Juan 5:20)

Maliwanag sag ma pahayag ni Juan sa kaniyang Ebanghelyo at sulat na si Cristo ay Anak ng Diyos. Hindi niya ikinapit ang titulong Diyos kay Cristo.

Patotoo ng iba pang tauhan sa Biblia
Pinatotohanan din ni Juan Bautista na si Cristo ay Anak ng Diyos:

“At aking nakita at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.” (Juan 1:34)

Ganito rin ang patotoo ng apostol na si Natanael – si Cristo ay Anak ng Diyos:

“Sumagot si Natanael sa kaniya. Rabi, ikaw ang Anak ng Dios; ikaw ang Hari ng Israel.” (Juan 1:49)

Maging si Marta na kapatid ni Lazaro ay nagpahayag na si Cristo ay Anak ng Diyos:

“Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Diossa makatuwid baga’y ang naparirito sa sanglibutan.” (Juan 11:27)

Sa mga talatang mababasa ang “Anak ng Diyos” na tumutukoy kay Cristo ay malinaw na pinatutunayan na hindi si Cristo ang Diyos. Ang salitang “Diyos” sa pariralang “Anak ng Diyos” ay tumutukoy sa Ama at hindi kay Cristo. Maging ang paring Jesuita na si Pedro Sevilla ay ganito rin ang pahayag:

“a) Tinatawag si Cristo na ‘Anak ng Diyos’. Sa parirala o titulong ito, ang tinutukoy ng salitang ‘Diyos’ ay ang Ama.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, pp. 55-56)

Ipinakilala rin ni Cristo na Siya ang Anak ng Diyos
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.” (Juan 5:25)

“Nabalitaan ni Jesus na siya’y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios? Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako’y sumampalataya sa kaniya? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya’y nakito mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo.” (Juan 9:35-37)

Maliwanag ang pagpapakilala ni Cristo sa Kaniyang sarili na Siya ang Anak ng Diyos. Hindi Niya ipinakilala na Siya ang Diyos. Ang paring Katoliko na si Pedro Sevilla ay nagsasabi sa kaniyang aklat:

“Kahit sa Ebanghelyo ni Juan, hindi tiyakang sinabi ni Jesus mismo na siya ang Diyos.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 32)

Maging si John A. T. Robinson, isang obispong Anglicano, ay ganito ang sinabi:

“Kailanma’y hindi personal na inaangkin ni Jesus na siya ang Diyos: gayunman lagi niyang inaangkin na dinadala niya ang Diyos nang lubusan.” (Honest to God, p. 73)5

Ang pagiging Anak ng Diyos ang lalong nagpapatunay na hindi si Cristo ang Diyos. Iisa lamang ang tunay na Diyos, ang Ama. Si Cristo ay Anak (hindi Siya ang Ama) ng iisang tunay na Diyos. Ito ay pinatunayan maging ng paring Jesuita na is Juan Trinidad. Ganito ang mababasa sa footnoteng Marcos 1:1 sa isinalin sa Bagong Tipan ng Biblia:

Anak ng Diyos: paminsan-minsan, ay ginagamit ng mga Judio ang pananalitang ito upang ilarawan ang isang may tanging kaugnayan sa Diyos. Dahil dito, noong si Jesus ay tawaging Anak ng Diyos sa mga Ebanghelyo Sinoptiko, iyo’y hindi dapat mangahulugan ng Kanyang pagka-Diyos.” (p. 103)

Ang paring Katoliko na is Richard P. Mcbrien ay nagbigay din ng ganitong patotoo:

“Sa kabilang dako, ang katawagang Anak ng Diyos ay naghahayag ng pagiging malapit sa isa’t isa ni Jesus at ng Diyos, at hindi ng kaniyang pagiging Diyos, tulad ng maaaring iniisip ng marami.” (Catholicism, p. 408)6


Mga Reperensiya:
1 Sevilla, Pedro, S.J. Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiano. Quezon City, Philippines: Loyola School of Theology-Ateneo de Manila University, 1988.

2”Peter did not claim that Jesus of Nazareth was God. He ‘was a man, commended to you by God by the miracles and portents and signs that God worked through him when he was among you’.” (Armstrong, Karen. A History of God. Great Britain: Mandarin Paperbacks, 1993.)

3”Jesus is never called God in the Synoptic Gospels, and a passage like Mk. 10:18 would seem to preclude the possibility that Jesus used the title himself. Even the fourth Gospel never portrays Jesus as saying specifically that he is God. The sermons which Acts attributes to the beginning of the Christian mission do not speak of Jesus as God. Thus, there is no reason to think that Jesus was called God in the earliest layers of New Testament tradition. This negative conclusion is substantiated by the fact that Paul does not use the title in any epistle written before 58.” (Brown, Raymond E., S. J. Jesus: God and Man. Milwaukee: The Bruce Publishing Company, n.d.)

4”But on the other hand Jesus is scarcely ever directly called ‘God’ and never by Paul himself.” (Kűng Hans. On Being a Christian. New York: Doubleday Image Book, 1976.)

5”Jesus never claims to be God, personally: yet he always claims to bring God, completely.” (Robinson, John A.T. Honest to God. London: SCM Press Ltd., 1963.)

6”The Son of God title, on the other hand, expressed the closeness between Jesus and God, but not necessarily his divinity, as many might think.” (McBrien, Richard. Catholicism. Third Edition. Great Britain: 



Published in God's Message (Pasugo), July 2007

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikatlong Bahagi)


Iisa lamang ang tunay na Diyos na kinilala ng mga manunulat ng Bagong Tipan - ang Ama. Hindi nila itinuro na si Cristo ang tunay na Diyos.


SA NAKARAAN AY ipinakitang maliwanag sa pamamagitan ng mga katotohanang nakasulat sa Biblia na ang mga likas na katangian ni Cristo ay naghahayag na hindi Siya ang tunay na Diyos. Sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay, ipakikita sa atin na maging sa mga sulat ng mga apostol ay makikitang hindi Diyos ang pagkakilala nila kay Cristo sapagkat batid nila na hindi si Cristo ang iisang tunay na Diyos at Siya (si Cristo) ay hindi kapantay ng Diyos.


Si Cristo ay mababa kaysa sa Diyos
1. Kinilala ni Cristo na sa ganang Kaniyang sarili lamang ay wala Siyang magagawa

"Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin." (Juan 5:30)

Maliwanag na si Cristo ay hindi ang tunay na Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Hindi Siya omnipotente sapagkat inamin Niyang wala Siyang magagawa sa ganang Kaniyang sarili lamang.


2. Hindi alam ni Cristo ang araw at oras ng paghuhukom
"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang." (Mat. 24:36)

Maliwanag na iba si Cristo sa tunay na Diyos na nakaaalam ng lahat oomnisiyente. Hindi nalalaman ni Cristo ang araw at oras ng paghuhukom.


3. Hindi si Cristo ang nagpapasiya kundi ang Ama
"Totoong iinuman ninyo ang Aking saro', sinabi ni Jesus. 'Subalit hindi Ako ang magpapasya kung sino ang mauupo sa mga trono sa magkabilang tabi ko. Para lamang iyan sa mga pinaghandaan ng Aking Ama'." (Mat. 20:23, Salita ng Buhay)

Nang hilingin ng ina nina Santiago at Juan na paupuin sila sa Kaniyang kaharian sa kaliwa at sa kanan ni Jesus, malinaw ang isinasagot ng Panginoon, "hindi Ako ang magpapasya kundi ang Aking Ama."

4. Ang Anak ay paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos
"At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan." (I cor. 15:28, Magandang Balita Biblia)

5. Ang Diyos ay mas mataas kay Cristo
"But I want you to understand that Christ is supreme over every man, the husband is supreme over his wife, and God is supreme over Christ." [Datapuwa't ibig kong inyong maunawaan na si Cristo ay mas mataas sa sinumang lalake, at ang lalake ay mas mataas sa kaniyang asawa, at ang Diyos ay mas mataas kay Cristo.] (I Cor. 11:3, Today's English Version)


6. Kinilala ni Cristo na hindi Sila magkapantay ng Diyos
"Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin." (Juan 14:28)

Maliwanag sa mga talatang ating sinipi na si Cristo ay hindi ang Diyos; si Cristo ay iba kaysa sa Diyos; at si Cristo ay hindi kapantay ng Diyos. Para sa mga manunulat ng Bagong Tipan, si Cristo ay mababa kaysa sa Diyos.

Ang Diyos sa Bagong Tipan
Sino kung gayon ang kinilalang tunay na Diyos ng mga manunulat ng Bagong Tipan?

1. Ang Ama lamang ang iisang Diyos
"Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya." (I cor. 8:6)

Iisa lamang ang tunay na Diyos na kinilala ng mga manunulat ng Bagong Tipan - ang Ama. Hindi nila itinuro na si Cristo ang tunay na Diyos. Ang Diyos ng mga unang Cristiano ay Siya ring Diyos sa Matandang Tipan. Ang Diyos na kanilang sinasamba ay Siya ring Diyos na lumalang ng langit at lupa. Siya rin ang Diyos na nakipagtipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Siya rin ang Diyos na nagbigay ng Sampung Utos at pumatnubay sa Israel. Siya rin ang Diyos na kinilala ng mga propeta at ng bansang Israel na kanilang Ama. Ang Diyos na sinamba ng mga unang Cristiano ay Siya ring Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. Ang katotohanang ito ang itinuro ni Cristo sa Kaniyang mga alagad:

"Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios." (Juan 20:17)



2. Ang Diyos ay tinawag ni Cristo na Kaniyang Ama
"Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol." (Mat. 11:25)

"At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo." (Mat. 26:39)

"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata a langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak." (Juan 17:1)

"At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga." (Lucas 23:46)


3. Sa Ama ni Cristo ikinakapit ang salitang "Diyos"
Ang salitang "Diyos" ay hindi ikinapit kay Cristo ng mga manunulat ng Bagong Tipan, kundi sa Ama ng ating Panginoong Jesucristo:

"Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo." (Roma 15:6)

"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan." (II Cor. 1:3)

"Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling." (II Cor. 11:31)

"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyaong nagpala sa atin ng bawa't papapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo." (Efe. 1:3)
"Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin." (Col. 1:3)
"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay. (I Ped. 1:3)
Pansinin natin na hindi si Cristo ang tinatawag na Diyos. Bukod dito, ang Diyos na tinatawag ni Cristo na Kaniyang Ama ay Siya ring Diyos na tinatawag ding Ama ng mga unang Cristiano:

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo." (I Cor. 1:3)

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo." (II Cor. 1:2)

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo. Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama." (Gal. 1:3-4)

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo." (Efe. 1:2)

"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat." (Efe. 4:6)

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo." (Filip. 1:2)

"Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa." (Filip. 4:20)

"Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama." (Col 1:2)

"Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at papapagal sa pag-ibig at pagtitiis sa pagaasa sa ating Panginoong Jesucristo." (I Tes. 1:3)

"Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo." (I Tes. 3:11)

"Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa paparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal." (I Tes. 3: 13)


"Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya." (II Tes. 2:16)

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo." (Filem. 1:3)

"... Hindi ba lalong nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu upang mabuhay tayo?" (Heb. 12:9, MB)

"Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kanilang sarili sa sanglibutan." (Sant. 1:27)

Iba si Cristo sa Diyos
Maliwanag sa mga talatang ating sinipi na ang Diyos na tintawag ni Cristo na Kaniyang Ama ay Siya ring Diyos at Ama ng mga unang Cristiano. Tiyak din na ang katawagang Diyos ay hindi ikinapit kay Cristo sa mga talatang ito. Ito ay inilaan at ikinapit sa Ama ni Cristo at ng mga unang Cristiano. Maging ang paring Jesuita na is Pedro Sevilla ay nagpahayag ng ganito:

"Kapag binibigkas ng Bagong Tipan ang pangalan ng Diyos, ang tinutukoy ay yaong tinatawag ni Jesus na 'Ama'. Ang pag-unawa na ang Diyos ay Ama ay narating ng mga kristiyano sa pagkaalam na siya ay Ama ni Jesus, at samakatuwid ay Ama rin nila; hindi siya ang Ama ng lahat ng tao, at pagkatapos ay Ama na rin ni Jesus. Ang pagbubunyag ng pagiging Ama ng Diyos ay hindi maihihiwalay sa paraan at hugis ng pagbubunyag na ibinigay ni Jesus." (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 33)

Published in God's Message (Pasugo) June 2007


Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikalawang Bahagi)


Sa maraming pagkakataon ay pinatunayan ng mga manunulat ng Bagong Tipan na si Cristo ay tao – may damdamin at may pisikal na katawan ng isang tao.

Alam na alam ng mga alagad na si Cristo ay muling binuhay ng Diyos. Iba ang bumuhay sa binuhay
.

SA UNANG BAHAGI ng artikulong ito ay pinatunayan na sa panahon ng Matandang Tipan ay naniniwala ang mga lingcod ng Diyos na iisa lamang ang tunay na Diyos, walang iba kundi ang Ama, na pinagmulan ng lahat ng bagay. Wala silang tinatawag na “Diyos Anak” at wala rin silang pagtuturo tungkol sa tinatawag ngayon na doktrina ng Trinidad. Sa panahon ng Matandang Tipan ay ipinangako ang pagparito ng Cristo at ito ay nagkaroon ng katuparan sa panahon ng Bagong Tipan. Pinatunayan sa atin na sa panahon ng Matandang Tipan ay wala pang Cristo na umiiral kundi ang pangako pa lamang na magkakaroon ng Cristo. Ngayon ay tatalakayin ang mga naranasan ni Cristo nang Siya ay umiral na sa panahon ng Bagong Tipan.

Si Cristo ay tao
Sa maraming pagkakataon ay pinatunayan ng mga manunulat ng Bagong Tipan na si Cristo ay tao – may damdamin at may pisikal na katawan ng isang tao.

1. Si Cristo ay binalot ng lampin

“At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito’y binalot ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka’t wala nang lugar para kanila sa tuluyan.” (Lucas 2:7)

2. Lumaki si Jesus sa karunungan at pangangatawan
“At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao.” (Lucas 2:52)

3. Hinalas si Jesus
“At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.” (Lucas 2:21)

4. May laman, mga buto, at dugo si Cristo
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” (Lucas 24:39)

“Yamang ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus, tulad nila – may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.” (Heb. 2:14, Magandang Balita Biblia)

5. Naranasan ni Cristo ang magutom, mauhaw, kumain, at uminom
“At nang siya’y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakes ay nagutom siya.” (Mat. 4:2)
“Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako.” (Juan 19:28)

“At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.” (Lucas 24:43)

“Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom…” (Lucas 7:34)

6. Naranasan ni Cristo ang mapagod

“At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.” (Juan 4:6)

7. Pinawisan si Cristo
“At nang siya’y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya na malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.” (Lucas 22:44)

8. Natulog si Jesus
“At narito, bumagon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa’t inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa’t siya’y natutulog.” (Mat. 8:24)

9. Tumangis at lumuha si Jesus
“Tumangis si Jesus.” (Juan 11:35)
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dininig dahil sa kaniyang banal na takot.” (Heb. 5:7)

10. Nanalangin si Jesus
“At lumakad siya sa dako pa roon, at siya’y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumamapas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” (Mat. 26:39)

11. Nakaranas ng kamatayan si Cristo
“Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga. …Nguni’t nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya’y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita.” (Juan 19:30, 33)

Ang pagkakaiba ni Cristo sa Diyos
Sa mga pangyayaring naganap kay Cristo na nasaksihan at sinulat ng mga manunulat ng Bagong Tipan ay maliwanag na, sa kanilang pananaw, hindi si Cristo ang Diyos kundi Siya ay tao.

Binigyang-diin din ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang pagkakaiba ni Cristo sa Diyos. Nasaksihan nila na sa maraming pagkakataon, nang tinutupad ni Cristo ang Kaniyang ministeryo sa lupa, ay paulit-ulit Niyang pinatunayan ang Kaniyang pagkakaiba sa Diyos.

1. Sinabi ni Jesus na Siya ay nagmula at nanggaling sa Diyos
“Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka’t ako’y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka’t hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.” (Juan 8:42)

Maliwanag sa pahayag na ito ng ating Panginoon na Siya ay nagmula at nanggaling sa Diyos sapagkat Siya ay sinugo ng Diyos. Iba ang nagsugo kaysa sinugo. Ang Diyos ang nagsugo at si Cristo naman ang sinugo.

2. Kinilala ni Cristo na Siya ay binigyan ng Diyos ng karapatang humatol
“Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol.” (Juan 5:22)

Kung si Cristo man ay humahatol, hindi iyon katunayan na Siya ang Diyos. Ipinagkaloob sa Kaniya ng Diyos ang karapatang humatol. Iba ang nagkaloob sa pinagkalooban. Ang Diyos ang nagkaloob, si Cristo ang pinagkalooban.

3. Kinilala ni Cristo na ang Diyos ang nagbigay sa Kaniya ng kapamahalaan
“Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma’y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma’y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.” (Mat. 11:27)

Sa talatang ito ay maliwanag na kinikilala ni Cristo na ang kapamahalaang taglay Niya ay ibinigay lamang sa Kaniya ng Diyos. Iba ang nagbigay sa binigyan. Hindi si Cristo ang Diyos kundi Siya ang binigyan ng Diyos ng kapamahalaan.

4. Sumasa Kaniya ang Diyos kaya Siya nakagawa ng mga makapangyarihang gawa
“Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng Diablo; sapagka’t sumasa kaniya ang Dios.” (Gawa 10:38)

Batid ng mga manunulat ng Bagong Tipan na kung si Cristo man ay nakagawa ng mga makapangyarihang gawa ay dahil sa ang Diyos ay sumasa Kaniya. Hindi sa dahilang Siya ang Diyos.

5. Sinaksihan ng mga alagad na si Cristo ay binuhay ng Diyos
“Ang Jesus na ito’y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito’y mga saksi kaming lahat.” (Gawa 2:32)

Alam na alam ng mga alagad na si Cristo ay muling binuhay ng Diyos. Iba ang bumuhay sa binuhay.

6. Ipinakilala ni Jesus na Siya ang Cristo at hindi Niya ipinakilala kailanman na Siya ang Diyos
“Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.” (Juan 8:28)

Sa talatang ito ay maliwanag na ipinakilala ni Jesus na Siya ang Cristo. Hindi lamang ipinakilala Niya na Siya ang Cristo kundi pinatunayan din Niya na hindi Siya ang Diyos nang Kaniyang sabihin na ang Kaniyang sinasalita ay ayon sa itinuro sa Kaniya ng Ama. Iba ang nagturo sa tinuruan. Si Cristo ang tinuruan at ang Diyos ang nagturo sa Kaniya.

7. Tumanggi si Cristo na tawaging mabuti tulad ng pagiging mabuti ng Diyos
“At tinanong siya ng isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti kundi isa, ang Dios lamang.” (Lucas 18:18-19)

Hindi pumayag si Cristo na Siya ay tawaging “mabuti” tulad ng pagiging mabuti ng Diyos. Nababatid Niya na ang Diyos lamang ang tunay na mabuti at Siya ay pinabanal lamang ng Diyos (Juan 10:36).

8. Ang Ama ang iisang tunay na Diyos ayon kay Cristo
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya Ama, … At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.” (Juan 17:1, 3)

Maliwanag sa mga talatang ito na hindi si Cristo ang tunay na Diyos. Ang Ama ang ipinakilala mismo ni Cristo na iisang Diyos na tunay.

Batid ng mga manunulat ng Bagong Tipan na iba ang Cristo kaysa sa Diyos. Ang mga malilinaw na pagkakaiba ng Diyos at ni Cristo ay matibay na katunayan na si Jesus ay hindi Diyos. Ang pisikal na katangian at mga naranasan ni Jesus ay nagpapatotoo sa Kaniyang pagiging tao sa likas na kalagayan.


Published in God's Message (Pasugo) magazine, May 2007


Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Pasimula ng maling paniniwala)

Ang pagsisimula ng maling paniniwala

Nahihiwatigan na ng mga apostol ang pagbabago ng paniniwala tungkol kay Cristo kaya’t si Apostol Pablo ay nagbabala sa mga Cristianong Gentil na nasa Corinto:

“Nguni’t ako’y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. Sapagka’t kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo’y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinaggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.” (II Cor. 11:3-4)

Pinangambahan ni Apostol Pablo na ang mga Cristiano ay mahulog sa paniniwala sa ibang Jesus – o sa Jesus na iba sa ipinangaral niya at ng iba pang mga apostol. Ayon na rin sa mga nagsaliksik sa Biblia, makikita rin natin sa mga sulat ni Apostol Juan ang katulad ng ibinabala ni Apostol Pablo. Ayon daw kay Apostol Juan, may mga Cristianong tumanggi sa katotohanang si Cristo ay tunay na tao, na ito ay iba sa orihinal na paniniwala kay Cristo ng mga unang Cristiano:

“Ang unang sulat ni Juan ay nagpapahayag tungkol sa mga dating kabilang sa komunidad na Cristiano ngunit ngayon ay humiwalay na. Tinaggihan nila ang pagiging tunay na tao ni Cristo.” (The History of Christianity, p. 84)3

Pinatunayan din ni Dr. A. Powell Davies sa kaniyang akda na The Meaning of the Dead Sea Scrolls na sa mga Gentil o pagano lumitaw ang isipang Diyos si Cristo:

“Sa panahong ang Cristianismo ay lumaganap sa daigdig ng mga Pagano lumitaw ang ideya na si Jesus ay Tagapagligtas na Diyos.” (p. 90)4

Sa kasaysayan, si Ignacio na naging Obispo ng Antioquia ang pinakaunang tumawag kay Cristo na Diyos sa kaniyang mga sinulat, noong ikalawang siglo:

“Ang mga pinakaunang manunulat pagkatapos ng mga sumulat ng Bagong Tipan, na tinatawag na mga Apostolic Fathers, ang nagpatuloy sa pagbabagong naganap sa huling panahon ng Bagong Tipan na pagtawag kay Cristo na Diyos. Ipinahayag ni Ignacio, na sumulat noong ikalawang siglo sa mga taga-Efeso na ‘si Jesucristong ating Diyos ay isinilang ni Maria’ (Efe 18:2) at ‘ang Diyos ay nagpapakita na ngayon sa anyong tao’ (Efe 19:3).” (Word Become Flesh: Dimensions of Christology, pp. 161-162)5

Ang pagbabago ng pananaw o pagkakilala ng mga Cristianong Gentil tungkol kay Cristo ay nagbunga ng mga pagtatalo na lumaganap hanggang sa siyudad ng Alejandria sa Ehipto. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan:

“Ilang taon bago ito, sa siyudad ng Alejandria sa Ehipto, bumangon ang isang pagtatalo kung si Jesucristo ba ay talagang Diyos o hindi.” (The Story of the Church, p. 30)6

Ang katanungan kung si Cristo ay Diyos o tao ay hindi nagkaroon ng katugunan, kung kaya’t ito ay namalaging katanungan sa loob halos ng tatlong daang taon:

“Ang malaking tanong na bumabagabag sa isipan ng Iglesia sa loob ng halos tatlong daang taon ay kung si Cristo, ang Anak, ay tunay at ganap na Diyos na gaya ng Ama.” (The Church in History, p. 30)7

Naging masalimuot ang pagkakabuo ng aral na si Cristo ay Diyos at hindi naging pinal kundi noon lamang ikaapat na siglo:

“Pagkatapos ng kaniyang pagkamatay, ipinasiya ng kaniyang mga alagad na si Jesus ay Diyos. Ito ay hindi kaagad nangyari; gaya ng makikita natin, ang doktrina na si Jesus ay Diyos na nag-anyong tao ay hindi ganap na nabuo hanggang noong ikaapat na siglo. Ang pagkakabuo ng paniniwalang Cristiano sa Inkarnasyon ay isang unti-unti at masalimuot na proseso. Si Jesus mismo ay tiyak na hindi kailanman nag-angkin ng pagiging Diyos …” (A History of God, p. 81)8

Ang paganong emperador na si Constantino ay nakaalam sa masalimuot na suliranin tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo. Siya ang tumawag ng Konsilyo sa Nicea noong 325 A.D.:

“… Nagsimulang makialam si Constantino sa mga bagay ng Iglesia. Ang mga nauna sa kaniya ay nakapangibabaw sa mga relihiyong Romano; kaya sinusundan ni Constantino ang isang pamarisan sa paraang sinubukan niyang pamahalaan ang Iglesia. Isang taon makalipas na maging kaisa-isang pinuno, tinawag ni Constantino ang mga Obispo sa isang konsilyo upang pag-usapan ang isang suliraning humahati sa mga Cristiano na lalong lumigalig sa Silangan.” (The Cathoolic Church: Our Mission in History, p. 99)9

Si Cristo sa Kredo ng Nicea
Bagaman walang nalalaman sa mga aral tungkol kay Cristo, ginamit ni Constantino ang kaniyang kapangyarihan upang ipatawag ang mga obispo at magtipun-tipon sa Nicea. Ganito ang paglalahad ng paring Katoliko na si Mar D.J. Arenas:

“Nag-alala si Emperador Constantino sa maaaring maging bunga nito sa kaayusan at kalagayang politikal ng kaharian, kaya’t sa bisa ng kanyang kapangyarihan, ipinatawag niya ang mga obispo ng Simbahan. Iminungkahi niyang magtipon ang mga ito sa isang kapulungan na siyang babalangkas sa tunay na aral ng Simbahan tungkol dito. At ang piniling pook para sa kapulungang ito ay ang bayan ng Nicea, sa hilagang bahagi ng Asya Minor. Ito ay naganap noong 325 A.D. na kung saan ay nagkatipon ang humigit-kumulang na 300 obispo.” (Isang Pastol Isang Kawan, p. 17)10

Sinasabi rin ng kasaysayan na noong ipatawag ng paganong emperador ang mga Obispo na magtipon sa Nicea, ang kaniyang liham para sa kanila ay may kasamang regalo at mga pananakot. Ganito ang pahayag ng paring Jesuita na si Pedro Sevilla:

“Tinawag ang Konsilyong ito ni Emperador Constantino sa pamamagitan ng mga sulat na may kasamang regalo, ngunit mga sulat na naglalaman din ng pananakot. Nagkatipon sa Nicea ang mga Obispo, pari, diakono (kasama sa mga ito si Atanasio, mga mananalumpati (rhetoricians), at mga pilosopo (dialecticians: mga laiko na nagpapaupa ng kanilang paglilingkod). Dumating ang Emperador at siya ang namuno.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano, p. 107)11

Sa Konsilyo ng Nicea ay ipinag-utos ni Emperador Constantino na pagkasunduan ng mga obispong nagpulong na si Cristo ay Diyos:

“Ang Konsilyo ay hindi magkasundo at pagkalipas ng dalawang taon [sic], naiinip sa pagkabalam, lumabas ang Emperador Constantino at nagsalita sa kapulungan, na inutusan silang magkaisa sa pagka-Diyos ni Cristo (paanong maaangkin ng emperador para sa sarili ang pagka-diyos kung itanggi ang sa Tagapagligtas?).” (Challenge of a Liberal Faith, p. 60)12

Tinanggap ng mga obispo ang Kredo ng Nicea dahil na rin sa panggigipit ni Emperador Constantino:

“Sa tag-init ng 325, may tatlong daang delegadong obispo, karamihan ay mula sa Silangan, ang nagtagpo sa Nicea, makatawid ng Bosphorus mula sa Constantinopla, at gawin ang napatanyag na pormula ng Kredo ng Nicea. …

“Ang Kredong ito na nagpatibay dahil sa pamimilit ng emperador, na naghahangad ng kapayapaan, ay di kaagad nakalutas sa mga kaguluhan sa doktrina o nakapagsalba sa kapayapaan.” (Man’s Religions, p. 625)13

Nang mapagtibay ang Kredo, ang pagtanggi na si Cristo ay Diyos ay itinuring na isang krimen laban sa estado:

“Matapos na itong ‘Kredo ng Nicea’ ay hayagang malagdaan ng mga obispo at iproklama ni Constantino, ito ay naging opisyal na kredo para sa lahat ng Cristiano. Ang pagtanggi sa pagka-Diyos ni Cristo sa anumang paraan ay katumbas ng paglalagay ng sarili sa labas ng komunidad ng mga Cristiano at isang krimen sa estado.” (The Emerging Church, Part One, p. 110)14

Sa mga katotohanang ating natunghayan, lalong nagliwanag ang katotohanan na ang paniniwalang si Cristo ay tunay na Diyos ay hindi siyang orihinal na paniniwala ng mga unang Cristiano. Utay-utay na nabuo ang aral na ito noong nasa langit na si Cristo at patay na ang mga manunulat ng Bagong Tipan. Ang aral na ito ay dapat itakuwil at balikan ang orihinal na paniniwala ng mga unang Cristiano na si Cristo ay katangi-tanging tao ngunit hindi Diyos (Gawa 2:22-23, Easy-to-Read Version).