TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, September 24, 2013

Sino ang nagbawal ng Pagkain ng Dugo?

   Ang Iglesia ni Cristo ay lubusang sumusunod sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa biblia. Kahit sa pagbabawal ng Diyos sa pagkain ng dugo ay lubusan itong sinusunod ng mga kaanib, ito po ang tinutuligsa ng kaibayo natin sa pananampalataya. Sinasabi nila na ang pagbabawal ng pagkain ng dugo ay imbentong aral lang ng mga Ministro sa loon ng INC. ngayon po ay ating pag aralan kung sino talaga ang nagbabawal sa pagkain ng dugo? Kalian ba ito ipinagbawal? Anu ang dahilan kung bakit ito ibinawal? Isa isahin nating sagutin ang mga tanong sa ating pag aaral ngayon. Inyo pong basahing mabuti at makatulong nawa ito sa mga nagsusuri. Sino po ba ang nagbawal ng pagkain ng dugo? Dito tayo magpasimulang bumasa sa
Genesis 9:1-4  “At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyangdugo, ay huwag ninyong kakanin.’’

Ang tanung natin ay sino po ang nagbabawal ng pagkain ng dugo? Maliwanag po ang panginoong Diyos. Ang talatang ating binasa ay sa panahon ng binasbasan ng Diyos si Noe at ang kanyang sambahayan. Anu ang pagkaing ibinigay ng Diyos sa kanila? Ang sabi . “At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.” Maliwanag po kung anu ang pagkaing ibinigay ng Diyos, ngunit anu lang ang kanyang ipinagbawal na kainin ng mga tao? “Ang lamang may buhay, na siya niyang dugo ay huwag ninyong kakanin” letra por letra po sinabi at ipinag bawal ng Diyos na kainin ng mga tao ang dugo, na ang kanyang sinabihan ay ang lahat ng mga tao. Anu ang pagtuturing ng Diyos sa mga taong kumakain ng dugo? Ganito ang nakasulat sa

Levitico 17:10-11  “At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan. Sapagka't ang buhay ng laman ay nasadugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.”

Napaka laking kasalanan po pala sa Diyos ang pagkain ng dugo anu ang sabi mismo ng Diyos?:“aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan”Maliwanag na magiging kaaway ng Diyos ang tao, at ihihiwalay siya o ititiwalag siya sa kaniyang bayan, sa bayan ng Diyos.  Kaya nga po natitiwalag sa Iglesia ang sinomang kumain ng dugo.

Niliwanag din ng Diyos na ang dugo ay “pantubos ng buhay”, hindi nga ba’t ang isang taong naubusan ng dugo dahil sa panganganak o aksidente, ay naililigtas sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo sa kaniya? At higit sa lahat ito’y pantubos sa kaluluwa, na ang ibig pong sabihin ay maaari po tayong matubos ng dugo sa ating mga pagkakasala sa Diyos, at iyon nga po ay  sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo:

Hebreo 9:13-14  “Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:   Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”

Kaya po marapat na ating igalang at pahalagahan ang dugo sa pamamagitan ng hindi pagkain nito. Sundin po natin ang pagbabawal na ito ng Diyos. Napakalinaw po at banal ang kaniyang dahilan kung bakit hindi niya ito ipinakakain sa atin. At tinitiyak ng biblia na hindi maliligtas ang mga taong kumakain ng dugo. Kaya patuloy paba kayo sa pagkain ng dugo o dinuguan? Matapos ninyo malaman na bawal ito kainin ay dapat na ninyo itong iwan o huwag na kumain pa.

Ngunit iminamatuwid po ng iba na hindi po purong dugo ang kanilang kinakain, bagkus ay mayhalong dugo lang na ang tawag nga nila ay dinuguan. Pinapayagan na po ba kumain ng laman na may dugo o dinuguan? Ito ang naka sulat sa   

Deuteronomio 12:22-23   “Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.”

Maliwanag na sinabi ng Diyos na:“sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman”.  Sa madaling salita, huwag kumain ng laman at dugo na magkasama.  Hindi po ba sangkap ng dinuguan ay dugo at laman? Kaya maliwanag na bawal ang dinuguan, o alinmang pagkaing  sinangkapan o nilagyan ng dugo. Kahit sabihin pa ng mga pilosopo na masarap pagmay puto. Panu kung nais nating kumain ng karne anu po ba ang dapat nating gawin? Anu po ang ipinag uutos kung tayo ay magkakatay ng Hayop upang kainin? Basahin natin ang nakasulat sa

Levitico 17:13  “At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.”

Maliwanag po ang utos na dapat ibubuhos o patutuluin ang dugo at tatabunan ng lupa. Hindi sasahurin at tatabunan ng bigas. Samadaling salita itatapon po ang dugo ng anumang hayop na ating kakatayin upang kainin. Paano kung dumanas ng tag-gutom at walang makain, baka maawa ang Diyos at payagan na niyang kumain ang tao ng dugo? Basahin natin ang naging pangyayari noon na nakasulat sa  

1 Samuel 14:32-33  “At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo. Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Naritoang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.”

Kinain noon ng bayang Israel pati ang dugo nung panahon na sila’y dumaluhong sa samsam  o nakaranas ng matinding tag-gutom. At ang sabi nga ni Haring Saul, ang hari noon ng Israel:“Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo.” Maliwanag na kahit pa kapusin sa pagkain ang isang bayan, ang mga lingkod ng Diyos ay hindi dapat at kailan man magtangka na ito ay kainin.  Eh paano nasolusyunan ni Haring Saul ang suliraning ito? Narito ang kaniyang ginawa:

 1 Samuel 14:34  “At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.”

Ipinadala ni Haring Saul sa kaniyang harapan ang lahat ng hayop na papatayin upang kaniyang matiyak na hindi na magkakasala ang bayan laban sa Panginoong Diyos dahil sa kanilang pagkain ng dugo na mahigpit niyang ipinagbabawal.

Ang kabawalan ba sa pagkain ng Dugo ay sa panahon lang ng lumang tipan o mga unang lingkod ng Diyos? Namamalagi ba ang kabawalang ito hanggang sa panahong Cristiano? Biblia po ang pasagutin natin sa aklat ng mga Gawa

Acts 15:28-29  “The Holy Spirit and we have agreed not to put any other burden on you besides these necessary rules: Eat no food that has been offered to idolseat no blood; eat no animal that has been strangled; and keep yourselves from sexual immorality. You will do well if you take care not to do these things. With our best wishes."  [Good News Bible]

Sa Filipino:

Mga Gawa 15:28-29 “Ang Espiritu Santo at kami ay nagkasundo na huwag na kayong atangan ng mabibigat na pasanin maliban sa mga tuntuning ito na talagang kailangan:  Huwag kayong kakain ng mga pagkaing inihandog sa mga diosdiosan; huwag kayong kakain ng dugo; huwag kayong kakain ng hayop na namatay sa pagkabigti; at umiwas kayo sa mga imoralidad na seksual. Mapapabuti kayo kung iiwasan ninyong gawin ang mga bagay na ito. Lubos ang aming pagbati.”


Maliwanag na ipinahayag ng mga Apostol na minagaling ng Espiritu Santo ang kautusang ito, samakatuwid ito ay kautusang mula sa Espiritu Santo, mahigpit na pinagbawalan noon ang mga Gentil na nais umanib sa Iglesia na huwag kumain ng mga pagkaing inihain sa mga Diosdiosan [Mga pagkaing inihahanda sa Fiesta – na inihahanda para sa kaarawan ng mga larawan at mga rebulto], ng dugo, at hayop na binigti [Yung mga hayop na namatay sa pagkalunod, o mga namatay na hindi lumabas ang dugo – gaya ng “botcha”], at huwag makikiapid. Kaya maging sa panahon natin ngayon ay ipinagbabawal pa din ang pagkain ng dugo.

Kaya po napakalinaw na maging sa panahon natin ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng dugo, kaya po dapat na umiwas ang lahat ng tao sa panahon natin sa ganitong mga gawain, hindi ito pinahihintulutan ng Diyos. Pagkatapos malaman ng Tao ang katotohanang ito na bawal ng Diyos ang pagkain ng dugo at ginawa parin nya ito, anu ang tinitiyak na sasapitin niya. Ganito ang nakasulat sa

Hebreo 10:26-27  “Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,  Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.”

 Ang sabi “ wala nang haing natitira pa tungkol sa ma kasalanan” Hindi na po mapapatawad ng Diyos kung magpapatuloy pa sa pagkain ng dugo kung sa kabila ng katotohanang nalaman natin na ito ay kaniyang mahigpit na ipinagbabawal, ang ganitong pagkakasala ay tinatawag na: “kasalanang sinasadya”, ang gumagawa ng pananadya ay ituturing na niyang kaaway, at ang tangi na lamang nating hinihintay ay ang kabangisan ng apoy na siyang parusang kaniyang ibibigay sa Araw ng Paghuhukom sa mga taong lumabag sa kaniyang mga utos. Kaya huwag na po tayong kakain ng dugo magmula ngayon na inyong nabasa ang katotohanang ito.

Dagdagan pa natin ang paliwanag, hindi ba sinabi ng mga Apostol na: “Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin” na ang ibig sabihin ay: ang kautusang ito ay kautusan ng Espiritu Santo, gaano po ba kabigat kapag ating nilabag ang utos ng Espiritu Santo?


Mateo 12:31  “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga taodatapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.”

Wala pong kapatawaran sa harap ng Diyos ang paglabag sa utos ng Espiritu Santo,  kaya po kahit na ano ang mangyari, mula ngayon ay huwag na huwag na po kayo kakain ng dugo matapos na ating malaman ang katotohanang bawal pala ito ng Diyos. Dahil kaya pong patawarin ng Diyos ang lahat ng ating kasalanan, maliban po sa pagkain ng dugo.

Nagagawa po nating sumunod sa tao, hindi po ba? Kapag po sinabi sa atin ng isang Doktor na huwag tayong kumain ng bawal sa atin dahil makakasama sa ating kalusugan ay agad nating sinusunod sa takot nating mapasama ang ating katawan.  Lalong dapat nating sundin ang pagbabawal na ito ng Diyos, dahil ang paglabag dito ay magdudulot sa atin ng lalong higit na kapahamakan, at ito’y ang kaparusahang walang hanggan sa apoy, pagdating ng Araw ng Paghuhukom

Friday, September 13, 2013

Mga Iglesia ni Cristo?




BAGAMAT ang Biblia ay bumanggit ng pahayag na “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo”, tulad ng nasa Roma 16:16:

Romans 16:16  “Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.” [King James Version]

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. [Ang Biblia, 1905]

Hindi ito nangangahulugan na mahigit sa isa o marami ang iglesia o ang katawan ni Cristo. Binigyan diin ni Apostol Pablo na iisa lamang ang katawan ni Cristo o iglesia (Efeso 4:4; Colosas 1:18). Kung alin ang marami ay ang mga kaanib o miyembro ng katawan o iglesia na kanyang nilinaw sa kaniyang sulat sa mga taga Roma na ganito ang ating mababasa:

Roma 12:4-5 “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Ano ngayon ang nais ipahiwatig ng katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ?

Anong pangalan ang dapat itawag upang tumukoy sa kabuoan ng katawan ng mga nagsisisampalataya o mga tao ng Diyos? Para maiwasan ang pagiging bias at di isipin ang iisang panig lamang na pagpapaliwanag ating sipiin ang akalat ni G. Don De Welt.

“So that, not only is the expressionchurches of Christjustified, as applied to local congregations of believers; but “church of Christas a DESIGNATION OF THE WHOLE BODY OF HIS PEOPLE, lies implicit in its very constitution and history. The idea of it is not only scriptural, it is inseparable from the relation of Christ to the church.” (The Church in the Bible, p. 349)

Sa Filipino:

“Kaya nga hindi lamang ang katagang “mga iglesia ni Cristo” ang nagpapatunay, na ikinapit sa mga lokal na kongregasyon ng mga mananampalataya; Maging ang “iglesia ni Cristo” na ISANG KATAWAGAN NA TUMUTUKOY SA KABUOANG KATAWAN NG MGA TAO NIYA, ito’y maliwanag na nakabatay sa kaniyang pinaka alituntunin at kasayasayan. Ang kaisipang ito ay hindi lamang maka-kasulatan, ito ay hindi maihihiwalay sa kaugnayan ni Cristo sa iglesia.”

Ang katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ay tumutukoy sa mga lokal na kongregasyon, at hindi sa kabuoan ng mga mananampalatayang kabilang sa katawan o iglesia, ang Pangalang  “church of Christ” o “iglesia ni Cristo” ang siyang ginamit para rito. Sa kadahilanang ang pangalang ito ang tumutukoy sa pinaka alituntunin at kasaysayan ng Iglesia, at maliwanag na ipinapakita ang kaugnayan ni Cristo sa Iglesia. Ang mga ganitong pagpapaliwanag ay maka-kasulatan o maka-Biblia. Samakatwid ang pangalang Iglesia Ni Cristo, ay isang katotohanang hango sa Biblia na pinatutunayan ng mga Bible Scholars:

“He conferred authority in the Church; explained the importance of designating the organization by its PROPER NAME--the Church of Christ” (The Great Apostasy, p. 12)

Sa Filipino:

“Kaniyang tinaglay ang pamamahala sa Iglesia; ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagtawag sa organisasyon sa kaniyang MARAPAT NA PANGALAN—ang  Iglesia ni Cristo.”

Kung paanong ang Iglesia ay ang katawan ni Cristo, marapat lamang na ang opisyal na pangalan nito ay Iglesia ni Cristo. Batay sa mga kasulatan, ito ang marapat na pangalan ng organisasyong ito, gaya ng ipinapaliwanag ng isa pang Bible scholar na si J.C. Choate, na ganito:

“Name of the Church” If the church is to be scriptural, then it must have a scriptural name. As to the church, Christ promised to build it (Matt. 16:18), it is said that he purchased it with his own blood (Acts 20:28), that he was the saviour of it (Eph. 5:23) and the head of it (Col. 1:18). It is only natural that it would wear his name to honour its founder, builder, saviour, and head. So when Paul wrote to the church at Rome, and sent along the greetings of the congregations in his area, he said, thechurches of Christ salute you (Rom 16:16). Then in speaking to the church at Corinth, “Now ye are the body of Christ and members in particular” (I Cor. 12:27). But since the body is the church (Eph 1:22, 23), then he was simply talking about the church of Christ.” (The Church of the Bible, pp 27-28)

Sa Filipino:

 “Pangalan ng Iglesia” kung ang iglesia ay dapat maging maka-kasulatan, ito ay dapat may pangalang maka-kasulatan. At sa Iglesiaipinangako ni Cristo na itatayo niya ito (Mat 16:18), sinasabing ito’y tinubos niya ng kaniyang dugo (Gawa 20:28), at siya ang tagapagligtas nito (Efe. 5:23), at siya ang ulo nito (Col.1:18). Kaya natural lamang na taglayin nito ang pangalan ng nagtatag, nagtayo, tagapagligtas, at ng ulo nito. Kaya nang si Pablo ay sumulat sa Iglesia na nasa Roma, at nagpadala ng pagbati sa mga kongregasyong sa kaniyang dako, sinabi niya “ binabati kayo ngmga iglesia ni Cristo” (Rom. 16:16). Pagkatapos nagsalita rin siya sa Iglesiang nasa Corinto, at sinabi niya, “kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y sama-samang mga sangkap niya” (I Cor. 12:27), at dahil sa katawan ni Cristo ang iglesia (Eph 1:22, 23), ang tinutukoy lamang niya sa kaniyang mga sinasabi ay ang iglesia ni Cristo.

Maging sa Norlie’s Simplified New Testament na isang salin ng Biblia, isang bahagi ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso ay isinalin sa isang paraan na ang pangalang ginamit ay church of Christ o iglesia ni Cristo imbes na body of Christ o katawan ni Cristo:

Ephesians 4:12 “The common object of their labor was to bring the Christians maturity, to prepare them for Christian service and the building up of the Church of Christ.” (Norlie’s Simplified New Testament)

Karaniwan sa mga salin ng Biblia tulad ng King James VersionToday’s English Version,New International Version, ang nasabing bahagi ng talata ay isinasalin bilang “body of Christ” o katawan ni Cristo. Dapat mapansin na ito’y nasa anyong pangisahan (singular form), at hindi “bodies of Christ” o mga katawan ni Cristo. Sa tuwing babanggitin ang katagang katawan ni Cristo sa Biblia, ito’y palaging nasa singular form. Sapagkat si Cristo ay nagtayo ng isa lamang Iglesia:

Matthew 16:18  “And I also say unto thee, that thou art Peter, and upon this rock I will build MY CHURCH; and the gates of Hades shall not prevail against it.” [ASV]

Mateo 16:18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Hindi sinabi ni Cristo na “I will build MY CHURCHES” o “Itatayo ko ang AKING MGA IGLESIA”, hindi ba? Kaya nga, kapag binabanggit ng Biblia ang katagang katawan ni Cristoang tinutukoy lamang nito ay ang Iglesia ni Cristo.

Katawan ni Cristo   =   Iglesia ni Cristo


Kaya maliwanag po na nagkakamali lang ng iniisip ang mga kaibayo natin sa pananampalataya. Makabubuti po sa mga kaibigan natin ay patuloy na magsuri sa mga aral ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo. Magsadya po sa pinaka malapit na local ng Iglesia sa inyong lugar.

Sunday, September 8, 2013

Kalingain natin ang ating Sambahayan



Isa sa mga suliraning kinakaharap ngayon ng ating lipunan ay ang pagdami ng mga wasak na sambahayan- mga sambahayang napabayaan ng mga magulang. Kaugnay nito ay dumarami rin ang mga batang hindi nakapag-aaral at nagpapalabuy-laboy lamang sa mga lansangan, na ang bilang nila ayon sa pag susuri ng Department of Social Welfare and Development sa taong 1998 ay umaabot na sa isa’t kalahating milyon (Malaya 1998), at ito ay tumataas pa hanggang sa kasalukuyan. Marami ring kabataan ang nasasadlak sa prostitusyon, nalululong sa mga ipinag babawal na gamot, at nasasangkot sa mga krimen at karahasan.

Ang pagpapabaya sa sariling sambahayan ay malaking kasalanan sa Diyos. Katumbas ito ng pagtalikod sa pananampalataya at ang mga pabaya sa kanilang sambahayan ay masahol pa sa di sumasampalataya:

“Sinumang hindi kumakaliga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa hindi mananampalataya.” ( I Tim. 5:8, New Pilipino Version)


Upang huwag mauwi sa kapabayaan ang mga magulang at ang mga nagiging magulang, may mga bagay na dapat iwasan o talikdan. Narito ang ilan:

1.     Pag-aasawa ng hindi nakahanda

Kapag ang mag-aasawa ay hindi pa nakahandang tumanggap ng responsibilidad sa sambahayan, mahuhulog sila sa kapabayaan, lalo na kapag sila’y nagkaroon na ng mga anak. Kaya bago lumusong sa pag-aasawa, dapat tiyakin kapuwa ng lalake at ng babae na sila’y nakahanda nang gumanap ng mga pananagutang kanilang haharapin.
Ang unang dapat tiyakin ng isang lalaking mag-aasawa ay ang pagkakaroon niya ng matatag na hanapbuhay upang matustusan ang panga-ngailangan ng kaniyang magigigng sambahayan, gaya ng itinagubilin ni Apostol Pablo:

“……Bagkus ay magtrabaho at gamitin ang kanyang kamay sa mga bagay na mapapakinabangan para may maitulong siya sa mga nangangailangan.” (Efe. 4:28).

Ang mga kababaihan naman ay tinuruan ni Apostol Pablo na magsilbing gabay sa kanilang mga anak sa pagtataglay ng mabubuting katangian, tulad ng pagiging “ mabait,malinis at masipag sa tahanan” (Tito 2:5).

Upang maiwasan ang pag aasawa nang hindi nakahanda, mahigpit ding itinagubilin sa mga magkasintahan pa lamang na huwag silang magkaroon ng ugnayang seksual (premarital sex) sapagkat ito’y para lamang sa mga mag-asawa. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit ang marami ay napapasubo sa hindi napapanahong pag aasawa. Dapat igalang ang pag aasawa sapagkat tiniyak ng Biblia na hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya (Heb. 13:4)

2.      Katamaran o di paggawa
      
       Ang isa sa mga dahilan kaya hindi matustusan ng isang magulang ang panga ngailangan ng kaniyang pamilya at ito ring dahilan ng kaniyang kahirapan ay ang katamaran. Ang sabi ng Biblia:

“Ang kamay ng tamad ay tiyak na magdarahop.” (Kaw. 10:4 Magandang Balita Biblia).

Tiyak na maghihirap ang sambahayan ng mga tamad na magulang. Kung ang ama ay ayaw gumawa gayong siya’y malakas at kaya namang magtrabaho, tiyak na hindi niya maipagkakaloob ang panga-ngailangan ng kaniyang pamilya – hindi niya maibibigay ang sapat na pagkain at maayos na pananamit, at hindi niya mapag aaral ang kaniyang mga anak. Hindi niya magagawang bigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang sambahayan.
Ang asawang lalake ang pinapanagot na magpakasipag sa paghahanapbuhay (Gen 3:19) upang siya’y may maitustos sa mga pangangailangan ng kaniyang sambahayan (Efe. 4:28). Tungkulin niya na bigyan ang mga anak ng maayos na tirahan, sapat na pagkain, aayos na pananamit, at mabuting edukasyon. Makabubuti rin kung magagawa niyang maipag impok ang mga anak.

“..Tutal, ang magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, hindi ang mga anak para sa mga magulang” (II Cor. 12:14 NPV).

Gayunman, hindi lamang ang ama ang nararapat magpakasipag. Ang asawang babae ay dapat ding magpakasipag sa pagsubaybay sa kaniyang tahana at sa mga anak:

“Kung magkagayon, matuturuan nila ang mga kabataang babae na ibigin ang kanilang asawa at mga anak, magpigil sa sarili, malinis, masipag sa tahanan, maging mabait, at napasasakop sa asawa upang hindi mapulaan ang salita ng Diyos” (Tito 2:4-5)

“Sinusubaybayan niyang mabuti ang kaniyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw araw. Iginagalang siya ng kaniyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak: Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila’y nakahihigit ka.” (Kaw. 31: 27-29, MB).

Kaya, marapat lamang na gumigising ang ina nang maaga upang maipaghanda ang mga pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Dapat din niyang subaybayang maayos ang pag aaral ng mga anak at matamang turuan sila sa pagsunod sa mga utos ng Diyos at ng kabutihang asal. Hindi siya dapat magaksaya ng panahon sa pangangapit bahay at lalo na sa pag hahatid dumapit (I Tim. 5:13 ).

3.     Pagkakaroon ng masamang bisyo

Ang pagkakaroon ng masamang bisyo tulad ng paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagsusugal, at iba pang katulad nito ay malaking dahilan kung bakit may mga magulang na nakakapag pabaya sa kanilang sambahayan. Ang malaking bahagi ng kanikita ng magulang ay tiyak na hindi pakikinabangan ng kaniyang pamilya kung ito’y ginugugol sa pagkakasala. Halimbawa ay ang pakikiapid o pakikipag relasyon sa iba ng isang may asawa- ito ay magiging dahilan din ng pagpapabaya at pagkukulang sa sambahayan. Ayon sa Biblia:

“ Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid.: (Kaw. 5:10).

Bukod dito, ang pakikiapid ay isang mabigat na kasalanan sa harap ng Diyos na ang parusa ay tiyak na kapahamakan sa dagat dagatang apoy (Apoc. 21:8).

Samantala, ang pagka lulong sa alak at sa ipinag babawal na gamot ay hindi lamang nakababawas sa malaking bahagi ng kinikita ng isang magulang, kundi nakapipinsala din sa kalusugan at paghahanap buhay. Ang tiyak na kahahantungan nito ay kahirapan (Kaw. 23:20-21). Ang pagkalulong naman sa sugal ay karaniwang nagbabaon sa tao sa pagkakautang at nagiging dahilan din ng pagkaubos ng kabuhayan. Ito, gaya ng pagkakalulong sa bawal na gamot, ay nagbubulid din sa tao upang magnakaw at kung minsan ay pumatay.

Dahil dito, ang masamang bisyo ay dapat iwasan ng mga magulang sapagkat makasisira ito sa maayos na kalagayan ng sambahayan.  

4.     Paghihiwalay ng mag asawa
Ang paghihiwalay ng mag-asawa ay magbubunga ng pagkawasak ng sambahayan at ang unang nagiging biktima nito ay ang mga anak. Ang iba sa mga anak ay sumasama sa ina, ang iba nama’y sa ama, o kaya’y nakikitira nalang sa kamag anak o sa mga kakilala. Hindi naibibigay sa kanila ang sapat na paggabay na tungkuling dapat gampanan ng kanilang mga magulang.

Kaya hindi dapat maghiwalay ang mag-asawa. Ang pag hihiwalay ng mag asawa ay taliwas sa layunin ng Diyos sa pagtatatag niya ng pag-aasawa. Ganito ang nakasulat sa Biblia:

“Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina; at ang dalawa ay magiging isang laman.” (Efe. 5:31).

Mahigpit ang aral ng Diyos na walang karapatan ang sinumang tao na papaghiwalayin ang kaniyang pinapagsama (Mat. 19:6). Kaugnay nito ay mahigpit ding itinagubilin sa mag asawa na mamuhay na magkasama:

“Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama’y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.” (I Ped. 3:7)

Kaya hindi dapat humiwalay ang babae ni ang lalake sa kaniyang asawa ( ICor. 7:10-13). Kung ang mga asawa ay mayroong hindi pagkakaunawaan, dapat silang mag usap nang maayos at sikaping sila’y magkasundo. Hindi mabuti na pairalin ang PRIDE o ang pagmamataas. Dapat ay magbigayan at ayusin nang mahinahon ang anumang dahilan ng hindi pagkakasundo.

Ang Sambahayang kinakandili ng Diyos.

Ang bawat magulang ay mananagot na kandilihin ang kaniyang pamilya. Ngunit higit sa pagkandili ng mga magulang ay ang pagkandili ng Panginoong Diyos. Kaya, ang unang unang dapat pagyamanin ng mga magulang ay ang kaugnayan nila sa Diyos. Dapat nilang tiyakin na nasusunod ng bawat miyembro ng pamilya ang mg autos ng Diyos.

Tinitiyak ng Biblia na ang sambahayang may takot sa Diyos sa paraang sumusunod sa Kaniyang mg autos ay pagpapalain niya:


“ Mapalad ang bawat tao na kay Yehweh ay may takot, Ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan, Ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay. Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga, Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, Buhay niya ay uunlad at pagpapalain.” (Awit 128:1-4 MB).